Mapaglarong isipan.

Friday, July 6, 2012

Ikaw at Ako ay Master!


Nakakatuwa talaga kapag napag-aralan mo ang isang bagay, alam mo kung saan ka lulugar. Hindi ka madaling mauto o maloko. Alam mo yung diskarte. Hindi ka papasok sa isang bagay na alam mong ikapapahamak o ikalulugi mo. 

Maraming kabiguan and darating. Maaaring ang sakit ng kabiguan na iyon ay tumatak na sa iyo habang buhay. Pero ano pa nga ba ang magagawa mo? Edi mag enjoy ka na lang sa 'adventure' na yun, magpatuloy ka, mag aral at mag sikap. 

Pero syempre, huwag kalilimutan ang manalangin. Sobrang laking tulong nun. At ng sa ganon, ikaw ay magiging Master. (Hindi yung facial wash ha.)

At kung makamit mo man ang tagumpay sa isang bagay, isipin mong mas maraming tagumpay pa ang iyong makakamit. Alalahanin mo rin yung mga taong umagapay at nakatulong sa iyo mula sa simula. Mga kaibigan, pamilya, kasintahan, o kaya naman aso o pusa mo, kahit sino. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng nababatid mo na may kasama ka sa tagumpay. Ibahagi mo ito at siguradong mas marami pang makakarating na mabubuting bagay sa buhay mo.

Para sa akin, yun ang ilan sa mga hakbang kung nais mong makabuo ng maayos at ka-siya-siyang 'karera' sa buhay. Alam kong hindi pa ako talagang matagumpay na tao. Bata pa ako. Marami pa akong dadaanan at tutukaing butil ng bigas. Pero sa kabila nuon, naramdaman ko na rin ang maging matagumpay, kaya siguro nababanggit ko ang mga bagay na ito.

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.