If you are good at something don't do it for free
Hindi ba ganoon naman talaga iyon? Kung empleyado ka, freelancer o may ari ng kumpanya, paano ka kumikita? Dahil sa iyong abilidad. Kung saan ka mahusay. Doon ka kumikita. Doon ka binabayaran. Dahil doon, may naibebenta ka, o kaya naman, may nangangailangan ng serbisyo mo.
Naniniwala ako na kung mahusay ka sa isang bagay, huwag mo itong gawin ng libre, gaya ng sabi ni Joker, "If you are good at something don't do it for free" (pero hindi Joke un.). Kaya naman, do it for the right price. Huwag ka magpadaya. Huwag ka magpalugi, sino ba namang gusto malugi? Kaya ka nga nagnenegosyo eh di ba. Kaya ka nga nag aral ng ilang taon sa kolehiyo eh, kaya ka nga nagsusumikap na maging mahusay sa propesyon mo para masuportahan mo ng maayos ang mga mahal mo sa buhay at maranasan mo naman ang masaganang buhay. Naniniwala ka ba na gusto ng Diyos na maging masagana ang iyong pamumuhay? Totoo yun, pero sa mabuti at marangal na pamamaraan syempre.
Kapag mahusay ka na talaga sa isang bagay, maaari kang kumita ng marami. Ibig sabihin, marami ka rin maaaring matulungan bukod sa pamilya mo. At higit sa lahat marami ka rin pwedeng maibalik para sa Panginoon.
Ito ay isang rin mabisang paraan upang maipakita sa maraming tao ang biyayang maaaring makamit ng isang taong lingkod ng Panginoon.
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment