Mapaglarong isipan.

Friday, April 15, 2011

May Diyos Ba Talaga?

Ni minsan ba, natanong mo na rin sa sarili mo kung may Diyos ba talaga? Ako, Oo.

Ang sabi kasi nila, ang Diyos ang lumikha ang lahat ng bagay. Sabi rin nila, ang Diyos ay mabuti at mapagmahal. Kung Siya ang lumikha ng lahat ng bagay, edi, pati kasamaan, Sya din? Paano sya naging mabuti kung pati kasamaan ay nilikha din nya?

Kaya ba ito likhain ng tao? Image fro blogger.com


Bakit sya lumikha ng mga masasamang tao, masasamang pangyayari, kalungkutan at kahirapan?

Ilan lamang yan sa mga tanong ko noon.

Pero may isang taong nakapagpamulat sa akin na totoong may Diyos. Ang taong iyong ay ang aking ama. Ang sabi nya sakin, "Anak, naniniwala ka bang may Diyos?". Hindi ako tumugon, pero nasa isip ko na hindi pa ganon kalalim ang paniniwala ko na may Diyos.

Tumuloy siya sa pag sasalita, "Kung hindi ka pa naniniwala, masdan mo ang buwan at mga bituin. Damhin mo ang araw. Mayroong may likha ng mga iyan. Lahat ng bagay, mayroong may likha. At mayroong manlilikha."

Nung gabing iyon, napaisip ako ng malalim. Kakaibang ang aking naramdaman, tila naramdaman ko bigla ang Kanyang presensya. Mula noong gabing iyon, ang dame nang pagbabago sa buhay ko. Mas naging masaya ako at nag karoon ng matibay direksyon ang aking buhay.

Heto pa ang isa...

May napanuod akong video, siguro napanuod nyo na rin to, pero, gusto ko lang ulit ibahagi rito. Ito ung favorite lines ko:


Bata: Umiiral ba ang lamig?

Prof: Syempre, ito ay umiiral.

Bata:  Ang lamig ay hindi umiiral. Ayon sa batas ng pisika, ang alam nating malamig ay ang katotohanan ng kawalan ng init.

Bata: Professor, umiiral ba ang kadiliman?

Prof: Syempre, ito ay umiiral

Bata: Ikaw ay mali sir, ang kadiliman ay hindi rin umiiral. Ang kadiliman ay ang katotohanan ng kawalan ng liwanag.

Bata: Ang kasamaan ay hindi rin umiiral. Ito ay tulad lamang ng lamig at kadiliman. Hindi ginawa ng Diyos ang kasamaan. Ang kasamaan ay nangyayari kapag wala ang presensya ng pagmamahal ng Diyos sa puso ng tao.

Napakagandang punto, hindi ba? Sinasabing ang bata sa eksenang iyan ay ang isa sa mga idolo kong si Albert Einstein. Pero wala pa atang kompirmasyon na sya nga iyan.

Ito pala yung youtube video nun, panuorin mo rin para malupet: http://youtu.be/HvhGeNzdRZA

Siguro dapat lang rin talaga natin tandaan na lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.

Tanong Ni Miguel: Naniniwala ka ba?

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.