Mapaglarong isipan.

Wednesday, May 9, 2012

Ang Pag Ibig, Hindi Nagmamakaawa

Bakit?

Kase, ang pag-ibig ay ibinibigay ng kusa, bukal sa loob, at walang hinihinging kapalit.

Ang pag ibig, hindi nag mamakaawa.
Parang ballpen at papel. Isipin mo kung bakit. Haha! 
(FYI: Ang binder sa litratong ito ay regalo sa akin ng aking kasintahan. Ngiti.)







Kapag may umibig sa iyo, ipapakita nya sa yo lahat ng magagandang bagay sa mundo na kaya nyang ipakita. Sa una.

Kaya pag tumagal na, kapag naipakita na nya lahat ng maganda, eh wala na syang ipapakita.

Yun ang maganda.

Mas maipapakita nya kung sino talaga sya.

Kumbaga, maipapakita na rin niya ang mga negative sides nya. Ganon talaga.

Kaya, wag ka sanang ma-disappoint kapag minsan hindi na sya energetic or hindi na sya tulad noong una kayong makakilala. Dahil napapagod din ang tao. Huwag ka muna mag isip ng kung ano-ano, huwag kang mag isip na hindi ka na nya mahal.

Tanungin mo muna sya mabuti, kausapin mo ng masisinsinan upang malaman mo kung mahal ka pa ba nya talaga.

Kapag sinabi nyang mahal ka pa nya talaga, mahahalata mo naman yun eh. Ibig sabihin, mahal ka pa nya talaga.

Kapag may pag aalinlangan na syang sumagot, eh ibang usapan na iyon.

Kung mahal ka pa nya, pero hindi na sya tulad ng dati, marahil ay may iba pang dahilan. Maaaring sa pamilya, sa kanyang trabaho at iba pa. Kaya huwag mo muna syang husgahan. Huwag mo munang isipin na hindi ka na nya mahal.

Huwag ka mag alala, malalaman mo rin kung hindi ka na nya talaga mahal. Oras ang mag sasabi. Huwag kang atat. Huwag mong pahirapan ang sarili mo.

Tama 'di ba?

Pero huwag mo rin iparamdam na wala kang pakialam. Kausapin mo sya. Pag usapan nyo.

Iparamdam mo pa rin na may pakialam ka.

Pero kung para sa kanya eh wala na lang, kung ayaw na nya makipag usap kahit kaunti, malamang kailangan nyo muna ng konting space sa isa't isa.

Para marealize nyo kung ano ba talaga.

Pero kung alam mong mahal ka pa niya talaga at talaga medyo nag bago lang sya, eh huwag ka nang mabigla at mag alala, talagang nag babago ang tao.

Ikaw na lang mismo ang gumawa ng paraan para maramdamin nyo ulit yung dati.

Unawain nyo ang isa't isa. Unawain mo sya.

Ituro mo muli sa kanya ang mga bagay na gusto mo. Baka kasi sa dami ng problema at iniisip nya eh nakakalimuntan na rin niya ang mga iyon kahit special someone ka pa nya. Totoo yun. Lalo sa panahon ngayon, ang hirap mag prioritize, pamilya ba or pakikipag relasyon?

Kaya nga kayo partners eh di ba? Tulungan! Sa lahat ng bagay, tunungan. Hindi mo alam, isang araw, ikaw naman ang nasa kalagayan nya.

At ang marapat na gawin nya eh, sya naman ang tutulong sa iyo. Ipapaalala nya sa yo kung sino ka. Kung ano yung mga gusto mo bilang isang babae o bilang isang lalake.

Huwag kaagad kayo sususuko. Huwag kaagad makikipag break. 

Ang dami kasi nagsasabi, mahal ko sya, pero...

May "pero". Para sa akin, hindi tunay pag mamahal iyon. Dahil ang tunay na pag mamahal ay nag su-survive sa kahit anong bagyong dumating. Iyan ay nasusulat sa banal na kasulatan.

Huwag mong isipin na mag isa ka na lamang sa laban mo sa pag ibig. Dahil lagi kang may kakampi. At lagi ka rin niyang mahal. Ang ating kataas-taasanng nasa langit. :)

Tanong ni Miguel: Nagmamakaawa ka ba para sa pag ibig? Bakit?

5 comments:

  1. Hi,

    Nabasa ko itong article mo about nagmamakaawa sa pag-ibig, maganda at mukang may pinaghuhugutan ka. Gusto ko sana i-share na sana maintindihan din natin ang side ng partner natin, hindi lang sa side natin. At the end, isa sya sa importante sa buhay natin, kaya dapat marunong tayong magbigay ng pantay pantay na atensyon sa kung ano man ang iniisip natin. Kung wala ka ng time sa bf or gf mo mali un. Kasi responsibilidad mo na rin sya nung maging kayo. Ipaliwanag mo sakanya at kausapin mo sya. Kasi para saan pa ang pagiging partners nyo kung hindi mo masabi ang problema mo sakanya. Tama ka, kau ang magtutulungan. Pero pano ka nya tutulungan kung hindi nya alam ang nangyayari. Natural na magtatampo sayo ung tao, magtataka o maiinis o makikipag break sabi mo nga. Kasi sa part mo pa lang hindi mo na kayang ayusin, pano pa ung sa inyong dalawa. Siguro naman maiintindihan ka ng taong mahal mo kasi mahal ka nya at mahal mo sya. Love conquers all. Minsan kapag wla na ang taong mahal natin, dun natin marerealize na mahalga pala sya. pero late na, kasi may mahal na syang iba.

    ReplyDelete
  2. Hi Anonymous, salamat sa iyong pagbisita, pagbigay ng komento at pagsabi ng maganda ang artikulong ito. Tama ka, maganda ang punto mo at pinalakas din nito ang punto ko. :)

    ReplyDelete
  3. hi mike,,, nabasa ko article mo at nagustohan ko... 2 months lang ang braek up namin ng ka leave-in ko mahal ko xia at mahal nia ako ng subra,,,peru bakit ganun? nag tiwala ako sa knia na hindi nia ako kayng ipagpalit peru sa bandang huli nabalitaan ko na may iba siya at may nakakita pa at sa hotel pa, masakit yun d ba? nag papakahirap ka para sa kaniya pra sa future nio, nag patayu ka ng business sa kania lahat ng savings mo binigay mo kasi mahal ko siya peru bakit ganun???????lahat ng yun nag bulag bulagan ako, binaliwala ko para lang ma save ang pag sasamahan nmin, sabi nga nila tulongan peru ganun ng yari nakipag hiwalay siya sakin,, umayaw ako tinaggap ko parin xia kahit ganun ng yari,, nag makaawa pa ako para lang bumalik siya at sabi nia wala na talga ayaw na nia.. sinubukan kung ayusin problema kahit ayaw n ng aking familya dahil mahirap lang sila peru tinggap ko siya kasi gusto ko siya ma pangasawa... ang sakit sakit d ba? pinag laban ko siya kahit itabuy pa ako ng aking familya para lang sa kaniya..peru para sa knia baliwala lang talga... ginawa ko nag pakalayu-layu ako dahil gusto ko mapag isa.. ngayun after 2 months bigla nlng may ng txt sat sabihin gusto nia bumalik,, para saan pa d ba? its too late na.... ngayun masaya na ako na mag isa walang problema walang lovelife at masaya mapag isa.. sooner or later kukunin narin ako ng aking pamilya sa Paris France baka doon ko makita yung babaeng para sakin talga... thank you sa article mo tama ka may isang pwde tayu karamay sa lahat ng problema at yung ay siya lang,,, ating ama na lumikha...

    ReplyDelete
  4. tama pro sa sitwasyun ko huli na ang lahat,hayssss

    ReplyDelete
  5. yun pala ahaii sa sitwasyun ko huli na ang lahat

    ReplyDelete

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.