Worst Boyfriend? (Part 1)
Paunawa: Ang mga sumusunod na pahayag ay madrama at korni at maaaring naglalaman ng mga pahayag na maaaring di angkop sa mga batang mambabasa.
Pag nag-bake ka ng tinapay na korteng isda at ganito ang itsura, parang ganito siguro ako as boyfriend. (Nabili ko to sa isang bakery malapit sa sakayan ng tricycle, masarap sya isawsaw sa kape.) |
Sino nga naman kaya ang mag mamahal sa isang gaya ko? May mag-ttyaga nga kaya sa akin? May tatanggap ba sa akin bilang ako?
I'm the worst boyfriend.
Narito ang mga nakikita kong dahilan kung bakit:
1. Hindi ako mayaman. Hindi ko kayang bumili ng bulaklak everytime magkikita kme ng aking kasintahan. Wala akong kotse upang sunduin sya araw araw sa malayong opisina nya. Hindi ko rin kayang makipag-date sa restaurant palage. Di ko kayang mag bigay palage ng mamahaling regalo. Sa kasalukuyan,karamihan ng kita ko ay napupunta sa edukasyon ng aking mga kapatid. Mula elementary hanggang college. Mabigat. Wala din akong kakayahan magbakasyon ng madalas.
1. Limitado ang oras ko. Twice a week lang talaga ang kaya kong ibigay na oras. Perfect if Saturday and Sunday. Yun ang totoo. Nag ttrabaho kasi ako bilang isang enhinyero. Mahigit dalawang taon pa lamang ako sa aking karera. Bagsak tlg ang katawan ko pag weekdays. Kung magkikita man kme ng weekdays, malamang mukang pagod, malata, at lumilipad ang isip ko. Mawawalan ng quality ang bonding o date namen. Palage lang sya maiinis.
3. Makakalimutin ako. Pansin ko lang, may pagka makakalimutin talaga ako. Short term memory. Minsan, kung di mo pa ipapaalala, hindi ko tlaga maaalala. Halimbawa eh may date na wala sa schedule like monday, eh ang tunay na schedule eh tuesday at thursday, madali kong makalimutan ang date na monday. Nkaset lng sa isip ko na tuesday at thursday ang date, at wlang date ng Monday. Isa pang halimbawa, maaalala ko lang ang monthsary or aniversary two days before. Halimbawa July 30 ang monthsary, maaalala ko lang yun pag July 28 na.
4. Di ako madaling magpatalo sa mga argumento. Pag alam kong tama ako, di ako titigil sa pag papaliwanag hanggang sa maintindihan nya. Ayaw ko kasi magpa under sa isang babae. Pero pag alam kong ako naman un mali or may mali rin sa part ko. Humihingi ako ng paumanhin.
5. Sobra akong magtiwala. Buong buo ang tiwala ko sa kasintahan ko. At inaasahan kong ganun din sya sa akin. Sa nakikita ko, dahil may tiwala nga tlaga ako, nararamdaman nyang maluwag ako sa kanya, na okay lang na mawala sya sa akin. Pero hindi totoo yun, mahal na mahal ko tapos gusto kong mawala sa akin? That's ridiculous. Ayoko kasing sakalin ang kahit sino, kahit ang kasintahan ko. Palagi silang may kalayaan pumili at magdesisyon para sa sarili nila. Pag nais nya ng aking mga kuro kuro at suhestyon, mag bibigay ako. Pag nais na nya akong iwan, dinadaan ko sa masinsinang usapan. Pag ayaw na tlaga nila, wala naman ako magagawa. I cant make her love me, if she dont.
Lima lang muna ang nasa list sa ngayon.
Itutuloy ko na lang sa Part 2 pag may naisip ako ulit. Kita kits.
Tanong Ni Miguel: Ano sa tingin mo ang ayaw sa iyo ng kasintahan mo?
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment