Mapaglarong isipan.

Sunday, June 19, 2011

Ang Tunay Na IMBA

Let's define: IMBA - ang alam ko, it usually means overpowered. Una kong narinig to sa computer shop. Pwede nyo rin tignan ang meaning dito.

Ang sulat na ito ay patungkol sa isang taong tunay na imba dito sa Pilipinas. Guess who? Oo, mali ang iniisip nyo. ang tinutukoy kong tunay na imba ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

José Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda

Eh Miguel, hindi naman nagdo-DOTA si Rizal...

Dota. dota. dota. 'Yan na lang ba ang lagi nyong naiisip pag naririnig ang salitang Imba? Sa bagay, ako rin. Anyway, natural hindi sya nag dota, ikaw ba naman mabuhay ng 1800's? Depende siguro kung may hindi pa tayo nalalaman tungol kay Rizal - na nakaimbento sya ng Time Machine.

Masasabi kong napaka-imba ni Rizal dahil sa napakaraming dahilan. Ngunit nais ko lamang banggitin ang ilan sa mga ito.

Walang takot si Rizal. Kahit na alam nyang bilangguan o bitay ang kakaharapin nya sa pag sulat ng mga nobelang Noli at El Fili, tinapos at inilathala pa rin nya ang mga ito. Ito ay para sa reporma. Malamang ay naniniwala at puno ng pag asa si Rizal na sa pamamagitan ng kanyang mga sulat ay mare-realize ng kaharian ng espanya ang mga kamalian sa kanilang pamamahala sa Pilipinas, upang hindi nila ito ituring na lupa ng mga alipin o alila kundi mag karoon ng pantay na pag tingin. Yun bang, hindi na sila mag papadala ng masasamang prayle kundi pawang mabubuti lamang na syang magiging boses ng Pilipinas sa hari ng espanya.

Hindi rin ako sigurado kung bakit tila mas ninais ni Rizal na manatili ang Pilipinas sa ilalim ng kapangyarihan ng espanya. Basta ang alam ko, malalim ang dahilan na yun. Ang nais nya lang talaga ay ang "reporma" o ang pagbabago sa pamamahala. Never nya rin naging tropa si Andres Bonifacio at hindi rin sinuportahan ang rebolusyon.

Mahilig mag-basa at mag-aral si Rizal. Napakahusay ni Rizal sa eskwelahan. Marami syang pinasukang paaralan tulad ng Ateneo, UST at UP (University of Paris, kala mo ha?). Syempre, marami syang school na pinasukan, edi marami rin syang pinag-aralan. Isa doon ay ang pagiging optalmologo.

Mulit-talented sir Rizal. Bukod pa sa pagiging doktor at manunulat. Marami pang talentong na enjoy si Rizal nung sya'y nabubuhay pa. Isa nga daw syang "Versatile genius".



Simpatiko si Rizal. Sigurado naisip na rin natin na sir Rizal ay isang napaka-seryoso at abalang tao. Yung tipong wala na syang panahon sa pag-ibig. Ngunit mali tayo doon dahil hindi mo mabibilang sa mga daliri mo ang kanyang mga naging chicks.

Idol ko si Rizal.

Oo, idolo ni Miguel si Rizal. Pero hindi ito dahil ba chickboy sya or parehas kame mahaba ang pangalan or flat one ang grade ko sa Rizal subject ko nung college. Idolo ko si Rizal dahil sa kanyang mga gawa at totoong pag-ibig sa ating bayan. Sa tingin ko, tama lang na tawagin syang "First Filipino". Nais ko ring magpasalamat sa kanyang mabuting impluwensya sa akin at sa iba pang mga tao. Tinuruan nya akong magkaroon palagi ng pag-asa at ipinakita kung gaano kahalaga ang Edukasyon.

Hero ko si Rizal.

Maligayang ika-isandaan at limampung taon ng kaarawan sa iyo aking bayani. :)

Tanong ni Miguel: Bukod pa sa mga pambansang bayani, sino pa ang bayani sa buhay mo?

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.