Paniniwala
Ngayon lang ako mag ppopost ng isa diumano sa mga pinakamahirap pag usapan. - Relihiyon.
Ayoko talaga sa mga taong itinuturing akong tila walang alam sa Bibliya. Hindi naman sa pagmamalaki pero matagal na akong nag-aaral ng Bibliya at mga Religious Sector. (Sa katunayan, nabasa ko na ang buong Bibliya, dahil ako ay nagagalak sa mga aral ng Panginoon.)
Hay nako... |
"Bakit mo pa kailangang gawin iyon Miguel?"
Simple lang, dahil iniutos ng Panginoon na maging mapanuri tayo sa lahat ng bagay, lalo mga nagpapakilalang mangangaral ng Diyos.
"Test all things; hold fast what is good." - 1 Thessalonians 5:21 (NKJV)
Lalo sa panahon ngayon, dito pa lang sa Pilipinas, napakaraming religious sector. Ayon sa Securities and Exchange Commision (SEC), mahigit dalawang libo (2,000) na ang rehistradong religious sector dito sa atin. (Pwede nyo rin puntahan nyo rin ang SEC sa Mandaluyong kung gusto nyo)
Sa dami ng iba't ibang mangangaral na iyon miguel, sino sa kanila nag paniniwalaan mo?
Alam mo, hindi na kasi malaking issue ang relihiyon sa akin. Iginagalang ko naman silang lahat as long as moral at hindi laban sa sangkatauhan ang kanilang mga gawain. Naniniwala ako ng lahat tayo ay may "calling" sa lahat ng bagay. Tulad ng calling sa paniniwala. Kung miyembro ka man ng isang religious sector ngayon, nirerespeto ko iyon. Doon ang "calling" mo. Sa madaling salita, doon ka tinawag. At iyon ay kagagawang ng "Holy Spirit".
"But the Comforter, which is the Holy Ghost, whom the Father will send in My name, He shall teach you all things, and bring all things to your remembrance, whatsoever I have said unto you." - John 14:26
Ang importante, bilang isang Kristiyano, sumasamba tayo sa iisang mapagmahal at tunay Diyos na nasa langit at may lalang ng lahat ng bagay.
Paano ka naging "mapanuri" sa mga mangangaral o religious sector ha Miguel?
Mula noong 4th year High School ako, naging malaking issue na sa akin ang Relihiyon. Bakit ba kasi ang dami nila? Iba't ibang doctrina, nagpapapakilalang sila ang dapat samahan ng mga tao. Oo, inaamin ko, nahulog din ako sa tinatawag ng "Religious War". Gulong gulo kasi ang isipan ko noon. Pero hindi ako sumuko dahil sa paniniwala ko, tayo ay binigyan ng Diyos ng kakayahan or karunungan upang magsiyasat at hindi maging "Laid Back" (Oo lang ng oo) o "Fanatic" (Hangang hanga) sa mga nagkalat na nagpapakilalang mangangaral ng Diyos.
Hinanap ko ang Panginoon. Nasaang simbahan o relihiyon ka ba Lord? Sabi mo kasi, hanapin kita at ika'y aking masusumpungan.
"Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you. For everyone who asks receives, and he who seeks finds, and to him who knocks, it will be opened." - Luke 11:9-10
Mula noon, iba't ibang religious sector na ang aking napuntahan, umatend regularly, napanuod, napakinggan upang siyasatin ko ang mga Doctrina nila.
Doktrina. |
Para sa mga hindi nakaka-alam ng ibig sabihin ng doctrina: Doctrine is a codification of beliefs or "a body of teachings" or "instructions", taught principles or positions, as the body of teachings in a branch of knowledge or belief system.
Sa madaling salita, ang Doctrina ay ang sistema ng paniniwala, prinsipyo at pagtuturo ng isang grupo o kongregasyon ng mga tao - tulad ng relihiyon.
Balik tayo sa aking karanasan sa paghahanap sa Panginoon. Ang mga sumusunod ay mga simbahang aking nakasama sa paghahanap sa Diyos.
-Baptist Church/Born Again - Umatend ako dito regularly almost a year din. Matagal ko na silang napapakinggan, bale 5 years na. Sa tv, sa radio... Napakarami nilang denominasyon kaya hindi ko kayang isa isahin ang mga pangalan ng simbahan na napuntahan at napakinggan ko sa kanila. Up to now, mga friends ko -pag nagiinvite, sinasamahan ko pa rin naman. :)
-Iglesia Ni Cristo - 5 years na rin, sa tv at radio. Umatend ako dito mahigit isang taon. Regular iyon.
-Katoliko - Since Birth, dito na ako. Pero syempre, kasama pa rin ito sa aking pagsisiyasat.
-Saksi ni Jehova - Madalas ko rin mabasa ang mga pamphlet nila nun. Umatend din ako twice ata.
-Ang Dating Daan - Umatend ako dito once. Pero madalas ko to mapakinggan at mapanuod sa tv at radio.
-Hindi ko na matandaan ung iba at ayoko nga isa-isahin sa dami.
Dumating sa punto na mas marami pang oras ang inilalaan ko sa pag aaral ng Bibliya kesa pag aaral ng aking mga aralin sa eskwelahan. Hindi ito biro. Kahit itanong nyo pa sa mga magulang ko.
Anong naging result ng mahaba mong pag aaral at pagsisiyasat Miguel?
Sa aking pagsisikap ng hanapin kung saang simbahan ba talaga nanananhan ang Panginoon, nalaman ko ng ang lahat ng Relihiyon ay may kanya-kanyang kalakasan pag dating sa Doctrina. May kanya-kanya silang punto na tama at mabuti para sa sangkatauhan. Pero sa kabila naman ng mga ito, may kanya-kanya din silang kahinaan.
Walang perpekto.
Maaaring sa susunod kong post ay maglahad ako ng tig walo (8) o tig sampung (10) doctrina na aking nasumpungan sa mga relihiyong nasiyasat ko. Mga Doctrinang maaaring para sa iba ay tama at para sa iba ay mali.(Pero sa totoo lang, hanggat maaari ayokong gawin ito dahil ayokong makapanakit ng damdamin ng kapwa. Ang nais ko ay magrespetohan at magmahalan na lamang ang mga tao gaya ng utos ng Diyos. )
Anong punto mo ngayon Miguel?
Bukod sa mga puntong nabanggit ko sa unang bahagi ng sulat na ito. Nais ko rin ilahad na hindi mo ako kailangang pilitin, gamitin ang iyong pangalan o impluwensya mapunta lamang ako dyan sa relihiyon mo. Tama na yung nakinig ako at pinagbigyan kita sa mga imbitasyon mo sa akin. Kung hindi ako tinawag sa relihiyon mo, hindi talaga naipadama sa akin ng Holy Spirit na dyan ako sa relihiyon mo, wala kang magagawa. Sa iba ako tinawag ng Panginoon eh... Hindi mo pwedeng nakawin sa akin ang pananampalatayang kaloob sa akin ng Panginoong Diyos. Maliwanag? Diyos pa rin ang hahatol sa akin sa bandang huli at HINDI IKAW.
Isa pang punto, hindi porket sinabing "Christian" eh born again or baptist na yon. Ang mga Katoliko ay "Christian" din. Nakaka-disappoint lang na tila hindi ito alam ng iba. Pakinggan ang usapan nitong dalawa:
Siya: Christian ka rin ba?
Ako: (Napaisip, alangan muslim? Nakikita mo ko sa simbahan dati diba?) Oo, Christian ako.
Siya: Ay talaga! Anong pangalan ng Church nyo?
Ako: Catholic Church.
Siya: Ay kala ko ba Christian ka?
Ako: (Nadisappoint, dahil hindi nya alam ang ibig sabihin ng "Christian"). Oo, Christian nga ako. Kumikilala ako sa Panginoong Jesus bilang dakilang Panginoon at tagapagligtas at may pananampalataya sa mga turo ng Banal na Kasulatan, ang Bibliya. Bakit ikaw ba?
Sya: Ganon din.
See?
Nais ng Panginoon na tayo ay maging masaya.
Ps 37:4 Delight yourself in the Lord.
1 Th 5:16 Rejoice always.
Jm 1:3 Consider it all joy my brethren when you encounter various trials...
...At napakarami pang verse sa Bible na nais talaga ng Diyos na maging masaya tayo kahit nandito pa tayo sa lupa. Pero paano natin ito maisasakatuparan kung nasa ilalim tayo ng giyerang panrelehiyon?
Ako ay isang Katoliko. Dito ako tinawag ng Diyos. Mahaba man, madilim at malagim ang napagdaanan ng Relihiyong ito noong unang panahon, may katumbas pa rin naman itong kapatawaran ng Diyos. Kasalukuyan ang importante at hindi ang nakaraan.
Naniniwala ako at ramdam na ramdam ko ang biyaya sa akin ng Panginoong Diyos. Nariyan ang aking mapagmahal na mga magulang at kapatid, mabubuting mga kaibigan, edukasyon, karunungan sa aking larangan, nagbibigay ng masaya sa Panginoon at yung latest blessing Nya sa akin. Yung taong espesyal sa akin. :)
Hinid ko kayang ilista lahat ng biyaya ng Diyos sa akin dahil sadyang marami. Lalo pag nagbibigay ako sa kanya. Grabe ang balik na biyaya. Siksik, liglig at umaapaw!!
Nawa'y pagpalain tayong lahat ng Panginoong Diyos!
Tanong ni Miguel: Nagsiyasat ka na ba?
*Nga pala, Happy Valentines Day sa inyong lahat! Ituloy ang pagmamahalan sa mundo! :)
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment