Mapaglarong isipan.

Friday, October 8, 2010

Sa Loob Ng Traysikel

Okay, narito na ang una kong entry ngayon oktubre 2010.


Ang Mahiwagang Traysikel :)



Ewan ko ba, last week ko pang gusto magsulat ng tungkol sa traysikel, pero wala akong maisip. Hanggang sa dumating ung araw nung isang araw (naguluhan ka?)...


Hindi ko kaagad naisulat eh, parang gusto ko lang munang isip isipin, at manatili sa katawan ko ang aking nararamdaman. 


Nakasabay ko sya sa traysikel. Oo na, nag iisip bata nanaman ako. Pero, matagal ko na talaga syang crush. Highschool pa ata ako nun.


Actually, wala naman talaga akong pakialam kung crush ko sya dati. May isang bagay lang syang ginawa na pumukaw sa aking damdamin upang bumalik ang dating pag tingin.


Eto na...


Pagbaba ko ng jeep ay sakayan ng traysikel patungo sa aming barrio, ang Barrio Mapayapa. Pauwi na rin sya, galing rin trabaho. Pero hindi sya mukang pagod. Nasilayan ko pa rin ang kanyang mayumi pagmumukha.


May upuan doon sa may traysikel terminal. Doon sya nakaupo habang naghihintay ng kasabay sa traysikel. Naglalakad na ako papunta doon ng mapansin kong pinagmamasdan nya rin ako. Nung nandoon na ako, napansin kong biglang na ngiti ang kanyang mga mata sa akin. (Kahit na hindi ko naman talaga alam kung ako nga ang dahilan ng kanyang pag ngiti, inisip ko na lang na ganon... Inisip ko na lang na kamukha ko si Piolo Pascual kaya sya napangiti sa akin! hehe)


"MIguel, Ngumingiti ba ang mga mata?" Oo. At ang kamangha-manghang pakiramdam doon ay yung alam mong IKAW ang dahilan kung bakit sya napapangiti.


Parang ganito ung kung ibi-visualize natin:


Smiling eyes??!


Ay hindi pala, ganito ang ibig kong sabihin. Not exactly like this, but it is something like this...

Mga matang nakangiti sa akin...

Nung nakumpleto na kaming apat na pasahero ng traysikel, syempre aalis na (ano pa nga ba haha.) Umupo ung matanda sa likod ng traysikel, kasama ata ung anak nyang lalaki.

Kaya ang ibig sabihin nun... kameng dalawa lang ang uupo sa loob.

Pinauna ko syang pumasok sa loob. At booom..! bago pumasok, narinig ko ang malambing nyang boses. "Ikaw na ang mauna sa loob..."

Napatingin muli ako sa kanyang mga mata. Sabi ko, "Hindi, ikaw na ang mauna..." 

"Una naman akong bababa eh..." sagot nya ng may napakagandang ngiti sa kanyang mukha. 

Hindi na ako nakapalag. Pumasok na lang ako. At sumunod sya. Hindi ko sya inamoy, pero ang bango ng kanyang halimuyak.

Nung mga sandaling iyon, sa di maipaliwanag na dahilan, sobrang napapangiti ako. Parang hindi na nga ngiti eh. Hindi naman sya camera, bakit bonggang bongga ung mga ngiti ko nun.

Tuwing naaalala ko ung mga sandaling iyon, natatawa talaga ako sa sarili ko.

Bigla ko rin naisip, paano nya nalamang mas una syang bababa sa akin? Eh ni minsan hindi ko pa sya nakitang gumala sa village para malaman kung saan ako banda nakatira.

Oo. Nakuha ako sa ngiti. Grabe un. Kala ko sila lang ang nakukuha ko sa ngiti... (Joke lang!) . . un pala, nakukuha rin ako sa ngiti. hayzz..

Pero masaya naman... Pati ang pag sulat ko dito sa blog ko na ito, masaya din! :)

Nga pala, mahigit isang buwan na ata akong blogger at nais kong pasalamatan ang dalawa kong mambabasa na sina Edward at Jessica, thank you guys, mahal ko kayo! Binabasa nyo kahit puro kalokohan ko lang ang nandito... hehe

Okay, it's time for...

Tanong ni Miguel: Nakuha ka na rin ba sa ngiti? Anong nangyari sa yo?


I-comment mo sagot mo... :)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.