Mapaglarong isipan.

Sunday, December 26, 2010

Ang Pagmamahal ( Part 1 )

Ang sulat na ito ay hindi sinisikap na baguhin ang iyong pag tingin sa pagmamahal. :)

May mga taong inaakala nila na sila ay nagmamahal. May mga tao rin namang inaakala nila na sila ay minamahal. May mga tao rin naman na inaakala nilang ginagampanan nila ang dalawang nabanggit.

"At naging love guru ka naman ngayon Miguel?" Hindi naman, naisip ko lang ibahagi ang aking mga nalalaman tungkol sa pagibig.


Sya ang tunay na Love Guru



Hindi yan si Jesus, sya si Mike Myers, bida sa comedy film na "The Love Guru" - nakakatawa yan promise! Anyway, hindi ko binase sa pelikulang yan ang isusulat ko ngayon. Base to sa karanasan at obserbasyon ko.

Para sa akin, simple lang naman ang tuntunin ng pagmamahal:

Kung mahal mo ang isang tao, irerespeto mo ang lahat sa kanya.

Respect - Give it to get it.
Lahat, as in halimbawa, mga bagay na gusto nyang gawin, mahalin, kung san man nya gusto pumunta, kung mahal ka nya o hindi ka man nya mahal. Hindi ka dapat mag expect ng anu pa man mula sa kanya.

Wala nang kumplikadong patakaran o rules tulad ng mga sumusunod:

1. Pag nagtext ako, dapat mag reply ka agad. Pano kung busy sya, may importanteng ginagawa o hindi maka-load? Kahit hindi sya mag reply, igalang mo un!

2. Pag sinabihan kita ng I Love You, dapat sumagot ka nag I Love You Too. Tanong ba ang I Love You? Hindi naman di ba? Hindi naman porke hindi sya sumagot ng I Love You Too eh hindi ka na nya mahal.

3. Demanding. Gusto ko sa malayo at magandang lugar, gusto ko maging sexy ka, gusto ko gusto mo rin ang musika ko. Hay nako, hindi pagmamahal yan, panggagamit yan.

4. Ang Boring. Kung sa tingin mo ay boring ka sa relasyon at wala sa mga hilig nyo ang magkatugma, huwag mo na lokohin ang sarili mo na gusto mo pang manatili sa relasyon dahil nagsasayang ka lang ng oras.

5. Em-O-A ( Over-Acting na EMO ).Sila yung mga partner na sumasama ang loob sa di malinaw o di malamang dahilan. Ayaw nilang pag usapan ang problema upang ito ay malutas. Ang sarap nilang ibitin sa poste ng Meralco ng patiwarik.

6. Reporter. Hindi masama ang magsabi ng mga gagawin o ginagawa. Pero may mga partner talaga na gusto ang bawat gawain mo ay nakaulat, updated minu-minuto. Igalang natin kung ano lang ang gustong sabihin sa atin ng partner natin.

7. Tamang Hinala ( T-H ). Ito yung mga partner na wala namang ebidensya pero grabe kung mag akusa. Ang sakit nila sa ulo.

Ito lang ang mga naisip ko sa ngayon.

Hindi ba't napakasarap isipin  na pag ika'y nagmahal ng walang inaasahang kapalit, ay masusuklian din ng pagmamahal na katulad o minsan, higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo?

Napakaswerte ng mga taong nagmamahal at minamahal din sila ng mga taong mahal nila.

Isa pang importanteng mahalaga ay ang pagtitiwala at pagiging totoo ( kailan ba naging hindi? ). Para sa akin, ito ang pagtitiwala at pagiging totoo:

Kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng buong buo ng walang bahid ng pandaraya at mga kumplikadong patakaran. Kung hindi mo na mahal, ipagtapat mo agad sa kanya at huwag nang maglokohan.

Kahit minsan masakit, at least, malaya ka naman. :)
Tandaan. Iba ang pagmamahal sa panggagamit.

Simple lang ang pagmamahal. Huwag sana natin gawing kumplikado.

Hindi ko alam kung sisipagin pa ako magsulat ng part 2 hehehe, anyway, salamat sa pag babasa! Belated Maligayang Pasko at Advance Manigong Bagong Taon sa Inyong Lahat! :)

Tanong Ni Miguel: Kumplikado ka ba magmahal?

*Nga pala, inalis ko na ung facebook commenting system dito, hindi gumagana minsan eh. Di' pa rin bati ang FB at Google hehe.. So nilagay ko nalang ulit ung default ng blogspot.

2 comments:

  1. tol, ang ganda naman nitong post mo hahah astig... punto per punto.. napaghahalataang marami ka nang experience sa pagibig ahh :)

    ayos to..

    ReplyDelete
  2. Haha ngayon lang ulit ako dumalaw sa blog ko..

    Thanks Pedro, and also for reposting this on your blog.

    :)

    ReplyDelete

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.