Mapaglarong isipan.

Sunday, September 23, 2012

Moment Of Truth

May tatlong linggo na rin ang nakakalipas mula nang nagdesisyon akong humanap ng bagong pakikipagsapalaran sa buhay. Isa akong mandirigma. Hindi ko inaasahang mabibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong makapunta sa lugar kung saan ang lahat ng aking mga ninanais sa isang paglalakbay, ay maari kong makamit. Napakagandang oportunidad. 

Ngunit bago ako tuluyang manatili sa lugar na iyon, marami ang inihandang pagsusulit para sa akin. Sa loob ng tatlong linggo, may tatlong pagsusulit na akong nalampasan, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nalalaman ang resulta.

Nakapasa nga ba ako? O nabigo?

Hindi ko talaga alam. Napakatagal na panahon na rin mula noong naramdaman ko ang ganito. Hindi ako mapakali. Noong huli kong pagsusulit, nabanggit nila sa akin na sa susunod na linggo pa malalaman ang resulta ng aking mga pagpupunyagi. Kaya naman, nais kong matulog na lamang hanggang dumating ang susunod na linggo, at paggising ko, malalaman ko na ang resulta.

Ako, pati na ang aking pamilya at mga kaibigan ay nananalangin na sana ay magtagumpay ako. Dahil aming nababatid na nasa tao ang pagbabalak at gawa, ngunit nasa Diyos ang tagumpay. Manalo man ako o matalo, panalo pa rin ako, kame, tayo... Dahil sa Diyos ko ito iniaalay, at alam nya ang mas makabubuti para sa atin. Basta sa sarili ko, alam kong ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Hindi ako nandaya o gumawa ng anumang masamang paraan.

Kaya naman, para sa susunod na linggo, dahil hindi ako pwedeng matulog lamang, idadaan ko na lamang sa kanta.



Request ni Miguel: Aking kaibigan, nawa'y tulungan nyo akong magtagumpay sa pamamagitan ng panalangin. Maraming salamat sa 'yo ha! :)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.