Mapaglarong isipan.

Monday, January 30, 2012

Ito Na Ang Simula

Ang sarap mag sulat.

Nuong bata pa ako, mahilig na talaga akong humawak ng lapis, crayola at papel. Sabi ng nanay ko, gusto ko na daw pumasok sa eskwela kahit tatlong taong gulang pa lamang ako. Siguro nalaman ko nang maaga ang tungkol sa pag eeskwela dahil ang aking ama ay isang guro... Ang aking ina naman ay isang butihin maybahay at lage akong kinukwentuhan tungkol sa buhay namin... tulad ng importansya ng edukasyon. 

Asan na ang panatang makabayan mo?

Marahil, sa ibang mga tao, halos wala nang halaga ang edukasyon. Maaaring dahil mayaman na sila at kahit hindi na sila mag aral upang mag trabaho o negosyo ay okay lang. Totoo yun, may mga taong ganon. Marami. Sa tingin ko, sila yung pwersa na nag tutulak sa ibang mga tao, kahit hindi naman talaga mayayaman, ay gumagaya sa kanila. Kaya sa bandang huli, dumarami ang mga kawawa. 

Sa bagay, hindi naman talaga nila kasalanan. Lahat ng mga tao ay may mapag pipilian. Pipiliin mo ba ng miserableng buhay? O ang masayang buhay? Parang ganito lang yan. 

Kung mahirap ka:

Edukado + Mahirap = OK. Makakaahon ka rin.
Hindi Edukado + Mahirap = Kawawa.

Kung mayaman ka:

Edukado + Mayaman = OK.
Hindi Edukado + Mayaman = Maraming Kinakawawa.

Ang pag tingin ko sa edukasyon.

Para sa akin, hindi porket nakatapos ka ng kolehiyo, masteral o doctor's degree eh edukado ka na. Ang tunay na edukasyon ay ang pag kakaroon ng karunungan, oo, karunungan, hindi kaalaman. Kahit na bahagi rin ng karunungan ang kaalaman, hindi kailanman magiging sapat ang kaalaman lamang.

Ano ba ang karunungan? Ito ba yung, pag mabait ka? 

Hindi.

Ito yung pagiging mabuti mo.

Ano yung pinag kaiba ng pagiging mabuti sa pagiging mabait?

Para sa akin, parang ganito lang yan.

May isang taong walang makain. Nakita mo syang mukang kawawa. Naninirahan kayo malapit sa karagatan. Nung una, wala syang lakas. Walang kaalaman. Walang karunungan. 

Binigyan mo sya ng mga isda upang makain.

Lumipas ang ilang araw, nakabawi na sya ng lakas niya. At nung araw na iyon ay kumatok na sya sa pintuan ng bahay mo. Humihingi ng pagkain.

Nasa isip mo, ilang araw mo na syang binibigyan ng pagkain. Hindi sya naghahanap ng sarili nyang makakain. Wala syang ginagawang paraan.

Heto na.

Kung mabait ka. Bibigyan mo lamang sya ulit ng isda o anumang pag kain. At hindi mag tatagal, maiinis ka rin sa kanya. Hindi na kayo mag kakaintindihan. Magulo. Magkakaroon kayo ng sama ng loob sa isa't isa.

Kung mabuti ka. Tuturuan mo syang mangisda o mangaso upang makahanap ng sarili nyang makakain. At nang sa ganon ay may matulungan din syang ibang tao. Hindi rin mag tatagal ay mag papasalamat sya sa yo dahil sa pagtulong at pagtuturo mo sa kanya. Magiging mabuting magkaibigan pa kayo.

Salamat sa pag babasa. :)

Tanong ni Miguel: Ano ang edukasyon para sa iyo?

*Image credits: http://gulfnews.com/polopoly_fs/philippines-1.643163!image/679043440.jpg_gen/derivatives/box_475/679043440.jpg

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.