Share Mo Nga Ito
Hindi kita inuutusan. Hindi rin kita kukutusan.
Usong uso ito. Sharing. Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan nito sa iyo. Paano mo ito naisasagawa? Sa paraan bang masagwa?
Pagbabahagi. Maraming bagay ang pwedeng ibahagi. Sa kasaysayan ng earth, ang ating panahon ngayon ang may pinaka-malaya at pinaka-malawak na pamamaraan ng pagbabahagi.
Litrato. Kasabihan. Tsimis. Anong kinain mo. Nasaang lugar ka ngayon. Sino ang kasama mo. Ano ang kausap mo. Bagong cellphone. Bagong asawa. Ang ika-siyam napu’t syam mong syota. Problema mo. Kulang ka sa pansin. May naalala ka bigla. Wala kang magawa. Kabataan mo. Hinaharap mo. Malambot mong unan. Baso mo. Butiki. Ipis. Butterfly. Langit. Lupa. Ang gwapo ko. Gwapo. Gwapo. Gwapo Ko. Ako Si Miguel. (Ok, kalimutan mo na yung huli sa listahan.)
Napakahaba ang listahan ng mga pwede mong ibahagi. Hindi ko kayang isa-isahin. At wala akong balak isa-isahin, kung gusto mo, dagdagan mo sa pamamagitan ng komento sa ibaba ng sulat na ito. Wag ka na mahiya, ako lang to.
Maaari nitong baguhin ang iyong mga pananaw sa buhay, ang iyong nararamdaman sa mga sandaling ito, may mga nakakainis, nakakayamot, nakakasaya, nakakapagpaligaya, nakakapagpapagabag, masarap, hindi masarap at yung mga bagay na… alam mo na… Nakaka-in-love. Tulad ng picture ko.
Ngiting antok lang? |
Okay, biro lang.
Ang may sala? Ikaw. Ako. Tayong lahat. Sino pa ba?
Internet. Sigurado naman alam mo ang ibig sabihin ito. Sige nga, ano ang tagalog nito?
Kahit na sabihin nating nasa computer lamang natin ito nakikita. Hindi natin maipagkakaila ang taglay nitong kapangyarihan. Maaari kang mapasama o mapabuti. Depende sa pag gamit mo.
Sa pamamagitan ng computer na may internet connection. Napakaraming pwedeng ibahagi sa ibang tao at aliens. Napakalawak ng internet. Link. Link. Link.
Ilan sa ating mga ginagamit ay ang Facebook. Twitter. Google Plus. Huh? Google Plus? Itapon nga sa apoy iyang Google Plus na yan!
Hindi kita gustong pakialaman sa mga gusto mong ibahagi sa mundo. Ok lang yan, nasa malayang bansa tayo. Pero syempre isipin din sana natin kung makakabuti ba ito sa ating imahe o kung ito ba ay makakasira lang sa atin. Think before you share. Think before you click.
Mas magiging magandang lugar ang internet kung may makabuluhan kang bagay maibabahagi. Tulad nitong kakaibang hugis na kalabasa.
Mula sa probinsya namin ang kalabasa na ito |
Kung marunong tayo mag share sa internet. Sana wag din nating kalimutan mag share sa totoong buhay. Balansehin natin. Hindi yung nakatutok lang tayo palagi sa harap ng walang buhay na makina.
Ang sarap sa pakiramdam makakita sa personal ng mga taong nakangiti dahil sa makabuluhan mong pagbabahagi.
Pamilya. Kaibigan. Kasintahan. Kapaligiran. Mga alaga. Kalikasan. At higit sa lahat, ibalik natin ang biyaya ng pag-babahagi kung saan ito talagang nag mula. Sa Kanya. Get’s mo?
Salamat sa muling pagbabasa. Ngiti ka naman dyan? :)
Tanong ni Miguel: Ano ang madalas mong ibahagi?
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment