Mapaglarong isipan.

Tuesday, August 30, 2011

Pangamba? Lungkot? Bakit?

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, lage akong nangangamba. Pangamba na baka bumagsak ako sa aking mga aralin, pangamba na baka iwanan ako ng aking mahal, pangamba na baka gawan ako ng masama ng aking mga kaibigan, pangamba na hindi ko matupad ang akin mga pangarap, pangamba na baka bukas, o sa isang araw, ay wala na akong makapitan. Wala na akong maasahan. Wala na akong malalapitan.

Oh no. What if? What if you have a solution? :))


Pangamba.

Ito ang isa sa mga bagay na pilit at paulit ulit na nagkukulong sa mga tao. Ikukulong ka nito sa isang isipin hanggang sa ito ay dumami ng dumami sa isipan mo. At pag sobrang dami na, hindi mo na makontrol. Nakakatorete. Nakakabaliw. Nakakatakot. Nakakakaba. Parang masamang mikrobyo, mabilis rin itong dumami. Na kapag hindi napigilan at lumala pa ay maaaring humantong sa kakaibang sakit na may kakayahang pumatay ng mga tao.

Pangamba.

Kasama na rin dito ang takot. Ang takot sa hinaharap. Ang takot sa pangyayaring hindi mo naman talaga alam kung mangyayari nga. Mga espekulasyon na maaaring masama nga, at imbis makahanap ng solusyon sa problema ay nauubos ang oras sa pag iisip ng masamang bagay. Imbis na maging positibo ay nagiging negatibo at nadadamay hindi lamang ang isang partikular na bahagi ng iyong buhay. Madadamay rin... ang buo mong buhay.

Di pala mangyayari, sumakit lang ulo mo sa pag aalala o pangangamba.
Ang hirap ng ganitong buhay. Kaya kumawala na ako. Yan ako dati. Tila maraming ginagawa ngunit sa likod ng aking isipan ay mga pangamba.

Ang mga nahanap kong solusyon?

Marami, kung tutuusin. Pero yung iba, mahirap isabuhay. Pero gaya ng lage kong sinasabi, mahirap nga, pero hindi imposible.

Unang una sa listahan ko ay ang Pananalangin. Kadalasan, ito ay sapat na. Ngunit sa mga taong may mahinang pananampalataya sa Panginoon, hindi kaagad ito epektibo. Kailangan araw-arawin. Sa bawat sandali, bumulong ka sa sarili mo. Sa isipan mo. Kausapin mo ang Panginoon. Humingi ka ng tulong at magpakumbaba ka sa kanya, at magpasalamat dahil sya lamang ang pinakamahusay at pinaka-mapagbigay biyaya  sa lahat - lalo na sa mga taong may takot sa Kanya.

Kung may mga tao man na hindi ka maintindihan, galit sa iyo kahit wala ka namang ginagawang masama, or mga taong masyadong nagmamagaling, mapagmataas o naging palalo sa iyo, ipanalangin mo na lang sila. Na sana sila ay maging magpakumbaba na at matutong gumalang ng kakayahan ng ibang tao. Dahil ang inaakala nilang galing nila ay wala pa sa kalingkingan wala sa ating Panginoon. Di ba? Kaya wag kang mangamba sa iniisip nila. Hindi mo na problema kung inis man sila sa iyo. Sila ang kawawa at hindi ikaw.

Pangalalawa, mag isip ng solusyon at huwag ang problema. Huwag ubusin ang oras sa problema. Manalig at mag tiwala ka rin sa sarili mong solusyon.

Pangatlo, maging positibo sa lahat ng bagay.

Pang apat, ngumiti ka. :)

Ika-lima, manalangin ka muli dahil maganda na ulit ang iyong pakiramdam. 'Yung pakiramdam na may nag mamahal sa iyo ng lubos kahit hindi mo nakikita o nahahawakan. Yung pakiramdam na damang dama mo ang init ng Kanyang pagmamahal.

Kapag nagawa mo na ito. Naniniwala akong ang iba mo pang mga kahilingan ay matutupad na. Hindi man eksakto sa iyong mga nasa isip, ngunit mararamdaman mo ang pagiging kuntento sa kung anong meron ka. Mararamdaman mong may naabot ka na.

Dahil nga positibo ka na sa lahat ng bagay, makaka akit ka rin ng mga positibong bagay at positibong pakiramdam.

Halimbawa, gusto mo na magkaroon ng kasintahan. Mag isip ka lage ng positibong bagay at siguradong yung mga bagay na iyon ang gagawin mo. Halimbawa, ung tipo mong babae na ligawan eh ung simple, mabait at may takot sa Panginoon. Mag isip ka ng mga positibong bagay ng kapag dumating na sa oras na mag uusap na kayo eh may sasabihin kang magugustuhan nya. Tulad ng kagandahan ng simpleng pamumuhay, benepisyo ng pagkakaroon ng takot sa Panignoon at pagiging mabait sa kapwa tao.

Isa pang halimbawa, gusto mong magkaroon ng masayang karera sa buhay. Mag isip ka ng mga positibong bagay kung saan mo posibleng magamit ang mga kakayahan mo sa ngayon. O kaya, mas mabuti, kung may kakayahan kang natatago pa, gawan mo ng paraan na mapahusay pa iyon. At sa proseso at mag enjoy ka. Damhin mo ang kahalagahan ng bawat sandali sa iyong pag-gawa.

Maikli lang ang buhay para maging malungkot at mangamba ka ng mahabang panahon. Maraming mga bagay ang inilagay ng Diyos dito sa lupa upang mag karoon tayo ng kasiyahan at huwag balewalain ang kanyang mga biyaya. Siguraduhin lamang na hindi mo ito ginagamit sa masama.

Tanong Ni Miguel: Ikaw, anong paraan mo upang mabawasan ang lungkot at pangamba?


Ito ang sulat ko ngayong buwan ng Agosto. Maramin salamat sa mga nag basa at may mga panukala.

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.