Mga Katanungan
Ang mga katanungan. Baw.
Ganito na lang ba? Bakit? |
Sa tingin ko, ito ang kadalasang nawawala sa isang taong naliligaw ng landas tulad ko. Biro lang. Di naman ako naliligaw ng landas. Konti lang. Siguro, konti lang.
Nasabi kong medoy naliligaw na ata ako ng landas dahil sa muling pagkakataon, hindi nagiging balanse ang takbo ng buhay ko. Siguro, natural na talaga sa tao ang makalimot sa ilang mga bagay, kahit mahalaga pa ito. Kaya naman, natunghayan ko kung gaano kaimportante ang magkaroon ng mga kaibigan. Mas mabuti, kung malapit na kaibigan at pamilya. Sila ang nagpapaalala sa atin ng mga bagay na tila nalilimutan na natin.
Iba pa yung sa kasintahan ha, aminin natin, may mga bagay na hindi madaling sabihin sa ating kasintahan kahit gaano pa natin ito ka-close, dahil sa mga kadahilanang tulad ng - ayaw mo syang ma-stress, ayaw mong makadagdag pa sa mga iniisip nya, ayaw mong ma-istorbo sya sa kanyang momentum sa career nya at iba pang mag kadahilanan.
Ganon pa man, ngayong nararamdaman ko muli ang mga bagay na ito ay nagpapasalamat ako. Naaalala ko kung ano talaga ang mas importante sa akin. Pamilya ba o computer? Librong nahahawakan mo ang bawat pahina o facebook na nagpapalabo ng mga mata mo? Magandang tanawin sa bundok o pag tingala sa mga nagtataasang mga building? Huni ng mga ibon o earphone? Sariwang hangin o usok hatid ng mga behikulo?
Nasa atin ang kapangyarihan pumili. Huwag tayong matulala or mabigla na lang tulad ng mga to:
Minsan, hindi na natin alam kung ano ang nangyayari, kaya... |
Aminado naman ako, nitong mga nagdaang panahon sa buhay ko, mas pinili ko ang computer, facebook, building, earphone at usok.
Pero hindi na ngayon. Ayoko nang paabutin ang susunod na araw, susunod na linggo, susunod na buwan o susunod na taon upang sabihin na ito na panahon upang piliin ko ang mabuti.
Hindi ko naman sinusubukang maging perpekto, ang nais ko lamang gawin ay ang sa tingin ko ay makabubuti sa sangkatauhan.
Balik sa mga katanungan... Ang mga katanungan. Baw.
Bakit nga ba mga katanungan ang pamagat ng artikulong ito? Dahil ako ngayon ay naniniwala na sa kapangyarihan ng mga katanungan. Ang mga "tanong" ay may kapangyarihan bumago ng isang buhay. At ang buhay na iyon ay maaaring buhay mo. Ilang beses mo ba tinatanong ang sarili mo sa isang araw? Bawat sandali ba? Kung ganon sa tingin ko ay mabuti iyon. Mas magiging mababa ang tyansa mong makagawa ng maling desisyon. Desisyon na maaaring pagsisihan o ikarangal mo balang araw.
Narito ang ilang halimbawang mga tanong na tinatanong ko sa sarili ko ng madalas:
- Magkaka-pera ba ako sa pagbabasa ng walang kwentang facebook status at tweets?
- Magkaka-pera ba ako sa pag bisita ko sa 9gag?
- Magkaka-pera ba ako sa pagpupuyat madalas?
- Magkaka-pera ba ako sa panunuod ng videos sa youtube?
- Magkaka-pera ba ako sa pakikinig ng paulit-ulit na music?
Baka iniisip mo mukang pera ako. Hindi naman. Ibig ko lang sabihin ay kung makakalikom ba ako ng kayamanan (kahit anong klase ng kayamanan) sa pag-gawa ng mga bagay na nakakaubos ng oras habang wala namang kapalit na magandang resulta. O sige, ito na lang:
- Tumatambay pa ba ako sa mga website tulad nito at nito?
- Nakakapag-blog pa ba ako tungkol sa poetry?
- Concern pa ba ako about security and performance ng niluto kong cake?
- Marami pa rin ba akong nagagawa kahit kaung lang ang naisulat ko?
- Maayos pa ba ang mga turnilyo ng robot ko?
- Nakakalinis pa ba ang sabon ko?
Tama ang link ko dyan. Huwag mo na lang pansinin kung wala sila sa iyong hinagap. Ok sige, ito medyo seryoso na, halimbawa sa trabaho:
- Fair ba ako sa employer ko? Ginagawa ko ba talaga ang trabaho ko?
- Propesyonal ba ako kumilos at magsalita sa opisina?
- Nadarama ko ba ang pag unlad ko bilang isang propesyonal?
Sa pamilya:
- Nagagampanan ko ba ang pagiging isang panganay na anak?
- Napapayuhan ko ba ang mga kapatid ko?
- Nabibigyan ko ba ng karangalan ang aking mga magulang?
- Nakakatulong ba ako sa gastusin sa bahay?
- Nasusuportahan ko ba kahit papano ang mga kapatid ko?
- Nabibigyan ko pa ba ng panahon ang kuwarto ko?
Sa sarili:
- Naaalagaan ko pa ba ang sarili ko?
- Naliligo pa ba ako?
- Nakakapag libang pa ba ako?
- Nagagawa ko pa bang mag laro ng Red Alert?
- Nakakatulog pa ba ako?
At higit sa lahat, sa Diyos:
- Nakakasunod pa ba ako sa Kanyang mga alituntunin?
- Nakakapag-bahagi pa ba ako ng kabutihan?
- Nakakadalo pa ba ako sa Church upang sumamba sa Kanya?
Yun lang muna... Pag Oo ang mga sagot mo, malamang na yung ang dapat mong gawin. Pag hindi, humanap ka ng bagong katanungan kung saan mapapa "oo" ka.
Ang mga nabanggit ko dito ay pawang mga halimbawa ko lamang. Ikaw mismo ang makakatalos ng mga tamang katanungan mo sa sarili mo. Mas kilala mo ang sarili mo. Mas alam mo kung saan ka liligaya. Ikaw ang magtatanong sa sarili mo tungo sa direksyong gusto mo. Oo, lahat tayo ay mga direktor. Lahat tayo ay mga drayber. Sweet lover.
Ang bilis ng panahon, Desyembre nanaman. Mamimigay ka ba ng regalo? Thanks ha! :)) Oh pa'no mga mambabasa ko, hanggang sa muli... paalam mga bata! :)
Tanong ni Miguel: Ano ang mas nauna, itlog o sisiw?
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment