Mapaglarong isipan.

Thursday, July 14, 2011

IDOL: Kobe Bryant

Yo! Watsup Catsup? Hehehe :)

Kobe Bryant

Matagal na akong basketball fan. Lalo sa NBA. Dumating ang idolo ko kahapon dito sa Pilipinas. Sya ang isa sa mga pinaka idolo pag dating sa basketball. Si Kobe Bryant. Astig. Hay, sayang, hindi ko sya nakita ng personal dahil busy sa work. Ganon pa man, nag papasalamat ako sa mga nag upload ng video nya sa youtube - Itong laro nya dito sa Big Dome.



Kampi sya sa mga taga UAAP, ang kalaban ay nga Smart Gilas Philippine Team. Ang ganda ng show. Sulit yung extra 8 minute na laro nya. Kahit hindi naman talaga nya binigay ang lahat ng galing nya, sabihin na lang natin na naparito sya hindi para ipakita sa mga Pilipino na wala tayong pag asa maging kuwalipikado sa NBA. Napartio si idol para gawing mas inspirado tayo sa pag lalaro ng basketball. Malay mo, dahil sa kanyang kampanya ay magkaroon nga ng Purong Pinoy NBA Player. Astig di ba?

Dalawang half pinoy daw ang nakapasok na sa NBA, yun ay sina Raymond Townsend at Ricardo Brown. Pero napakatagal na panahon na nun, 1980's pa sila nag exist sa NBA. Tapos isa pang may lahing Pinoy rin daw na naglalaro ngayon sa NBA, si Nate Robinson. Ang great-great-grandfather sa maternal side nya daw isang Filipino. At least, di ba?

Pero iba pa rin kung Purong Pinoy ang makakapag laro sa NBA.

Si Johnny Abarrientos ay nabigyan ng offer na pumasok sa NBA nuong 1997 pero hindi nya daw tinanggap dahil maikling panahon lang daw ang kontrata. Sayang. Sana nag try pa rin sya, hehe. malay mo, pumapalag pala ang pinoy sa NBA, di ba?

Balik kay Kobe Bryant...

Ang aktibidad pala ngayon ni Kobe ay ang "Take Every Advantage Tour" nya. Limang syudad sa Asia ang pupuntahan nya, at swerte tayo dahil isa roon ay ang Maynila, at kahapon naganap yun, ang saya! Susunod raw nyang pupuntahan ay ang Seoul, Korea then ilang syudad sa China. Hmm ilang beses na rin sya nakapunta dito sa 'Pinas, nung 90's ata, 2009 at kahapon.

Salamat sa pag bisita mo, Idol. Sana may kasunod pa. Haha! :)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.