Mapaglarong isipan.

Monday, June 16, 2014

Iyak sa Tuwa



Super saya! The San Antonio Spurs won the 2014 NBA Championship! Super saya na makitang mag-champion muli ang favorite team mo. :)





Last year, super disappointed ang mga Spurs fan, at kabilang na ako dun.

Champion na kase sila dapat, pero naging bato pa ng naka-shoot ng 3 pointer si Ray Allen ng Miami Heat. Ito yung heart-breaking na eksena nun.



If you look closely, lamang ang San Antonio sa series. 3-2. Nung Game 6 na un, lamang na rin sila sa score at ilang segundo na lang ang nalalabi sa game.

Pero dahil nga sa shot ni Ray Allen, naging MVP si Lebron. Champion na sana ang Spurs, kung nabantayan lang nila mabuti yung heart-breaking 3 point shot na un.

Fast forward to today, 2014...

Spurs at Heat muli ang nagkita sa finals.

Pero this time, iba na ang kwento. Iba na ang Spurs. Based sa mga makita ko sa laro nila, mas mahusay na sila mag maintain ng score advantage, ball movement, at defense.

Nanalo ang San Antonio Spurs over Miami Heat, four games into one, 4-1 for the Spurs. Imagine, isang beses lang nanalo ang last year's Champion sa kanila.

Itinanghal na 2014 NBA Champion ang San Antonio Spurs. They are now the 5-time NBA Champion for the last 15 years: 1999, 2003, 2005, 2007, 2014.

Ito ay maagang regalo para sa akin, hahaha!

Here are some cool moments and highlights, gumawa pa ako ng playlist!



Ang kulet ng line na to sa post-game speech ni Coach Pop: "Kawhi thinks he did it all by himself!" HAHAHA!



Si Kawhi Leonard ang itinanghal na 2014 NBA finals MVP. Isa sya sa pinakabatang player ng NBA na naparangalan nito. Astig, 22 year-old, parang si Tim Duncan nun 1999.

Well deserve nya ang award na yun, based sa mga ipinakita nyang laro.





For me, it is always great when you pick yourself up when you're beaten down. It means there is hope. It means not giving up. Just like what the San Antonio Spurs did!

Important note: Opinyon ko lang naman ang nasa itaas. Wag kayo masyado seryoso. :D

Thursday, April 17, 2014

My Calling.


Now I am 100% certain of it. I want to be a successful entrepreneur. So badly.

Why?
  • To reach out and help more deserving people in need.
  • To be an inspiration and help our country to move forward.
  • To invent something that can take away people's pain and suffering.
  • To have more fun and happiness in life.
  • To help extend science and technology education, especially to children.
  • To be rich in all aspects of my life.
  • To honor the God of love, unity and order.
Even with all of my power, I cannot do all these things if I'm stuck in a cubicle, in front of the computer all day long.

It feels like I'm not giving all the value that I can give away. I feel guilty. I'm not giving my all to achieve my goals and aspirations.

Yes, I'm really serious about this, and at the same time, I'm having a lot of fun - thinking that I'm one of the humans who help make the world a better place in my own little way. I believe you can do it to.

What are the steps and actions that I've been doing?

For the past few years, I have a lot of projects that failed. But I am persistent. I'm learning a lot, so I don't really take it as failures. They are stepping stones. They are my bridge to success.

Since I'm persistent, some are starting to succeed. My measurement and statistics are starting to look good. Some people are coming to help me when I ask them.

I'm really, super thankful these people who support and believe in me. I cannot succeed without your help.

  • To my Love, Kris.
  • To my friends J, A, J and L. You know who you are.
I want to be a successful entrepreneur. I want it so bad. It feels like my life is not complete if do not achieve it.

"Now if you know what you're worth then go out and get what you're worth. But ya gotta be willing to take the hits, and not pointing fingers saying you ain't where you wanna be because of him, or her, or anybody! Cowards do that and that ain't you! You're better than that! "


I want to have this feeling again, but not as an employee of course.



Life is a fragile thing. We are here today, and tomorrow we are gone. The biggest mistake people make is in thinking we have all the time in the world.


"Don't ever let somebody tell you, you can't do something."

Friday, June 28, 2013

My Google Day!


As many of you know, my current company has been a partner of Google in developing the Google Maps here in the Philippines, and most good friends know that I'm in charge of developing the Android app for this partnership. 

Sorry guys, I can't give you much details about the app and this project because it is confidential.

I've been a fan of Google. This is one of the largest software company in the world! Almost all people using the internet uses their products. 

It is such a joy for me to be working with them. Lately, I got in close contact with them.

June 18, 2013...

CEO: "JM, ikaw na mag present ng App mo sa June 27, darating dito mga taga Google..."
ME: "Ok Sir." (Napaka-meaningful at inspiring kong sagot)

Sa isip ko...
  • Ppresent lang naman yung app eh, madali lang un!
  • Di naman kailangan masyado paghandaan dahil pwede mag-tagalog pag kausap mga taga Google Philippines (tulad pag kausap ko sila sa phone).
June 26, 2013...

Umaga, nag open ako ng company email namen... Naka-CC ako sa isang email, pag bukas ko, yung plan pala for the 27th. Di ko agad nabasa. May mga reply yung pupunta na Google Product manager, and her name is "Autumn Zhang".

Napaisip ako, parang di ata yung pangalan ng isang Pinoy. Kinabahan ako. Nag chat ako sa boss ko:

ME: "Sir, yung pupunta po bang taga Google bukas eh nakakaintindi ng tagalog?"
CEO: "Hindi, taga Google Singapore yung eh."

Napaisip ulit ako... joke... hindi ako nakapag isip agad, kase kinabahan na ako...

"Homiship, wala pa akong script, di pa ako nag ppractice ng presentation ko bukas!"

Ayun, minadali ko nag gumawa ng English script para sa presentation ko kinabukasan... Login sa evernote,  sulat ng script, tpos sync sa phone ko. Ten-tenen!

Well at least, na-retest ko yung app at gumagana pa rin naman ng maayos. :)

Nag search din ako kung sino si Ms. Zhang, at nalaman ko naging Software Engineer din sya sa Google (she worked on Google Maps features like "My Maps").

Sa kasalukuyan, isa na syang Google Product Manager. Oha! Di ako makapaniwala na allowed ako makipag usap sa mga ganong high-level na tao. Lalo tuloy ako kinabahan.

June 27, 2013... 11:00 am...

CEO: "JM, it's your show."

Stolen shot.

Di ko alam may dala palang camera si Ma'am. Na-send nya sa akin itong picture na to kanina lang. Thank you po Ma'am Christiane! Oo, isa lang. But at least meron! I'm so happy!

Ako yung naka gray at may hawak na smartphone (JARVIS ang name ng smartphone ko!)

Si Ms. Zhang yung nakatalikod at naka-pink. Kasama rin namen yung mga boss ko.

Successful naman ang presentation ko, di naman ako sobrang nanginig hahaha! Ang di ko malilimutan na mga kataga ni Ms. Zhang about our app...

"Wow, that's fast and easy!"

"Nice, I think that's the best way to solve that problem."

Those words are from a Google Engineer. Oh my!

I-a-m-S-o-H-a-p-p-y! 

Thanks to the Almighty for all of this!

Saturday, June 22, 2013

San Antonio Spurs at ang Saloobin ng Isang Tagahanga

Naging taga-hanga ako ng San Antonio Spurs nuong una akong namulat sa existence ng NBA. Year 2003 'nun, first year high school ata ako. Sa channel 9 ko ata yung napanuod ang Finals, panalo ang Spurs over New Jersey Nets.


Bago nung taon na 'yon, nag Champion na din pala sila nung 1999, at mga sumunod na taon ng 2005 at 2007.

Nung mga sumunod na taon, dahil nainspire ako, nahilig na ako maglaro ng basketball, hanggang makagraduate ako ng highschool. Ang maputi at flawless kong kutis ay nawala dahil laging nakabilad sa araw habang naglalaro, wala kameng covered court nun mga panahon na yun.

Naalala ko tuloy nung sumali ako ng maliit na liga dito sa lugar namen. Half court pa lamang ang meron dito sa amin nun. 3 on 3 ang laro. At kasama ako sa first 3 every game. Nagchampion ang team namen, pero hindi ako ang MVP, mas mahusay yung Engineer kong kakampi.

Natigil lamang ang hilig ko sa paglalaro at panunuod ng basketball nang mga kolehiyo na ako. Mas nag focus kase ako sa pagaaral at karera sa tunay na buhay. Pero ngayong nakatapos na ako at may maayos na karera na, balik na ulit ako sa basketball, kahit hindi na masyado nakakalaro, at least, nakakapanuod pa rin.

Balik sa main topic...

2013 NBA Finals. Spurs vs. Heat.

Malungkot ako dahil natalo ang Favorite NBA team ko. At masakit ang kanilang pagkatalo. Spurs lead the series, 3-2. At nuong game 6, champion na sana sila kung hindi naka 3 points si Ray Allen, that tied the series to 3-3.

At nuong Game 7, nanalo na ang Miami Heat.

Dama ko rin ang disappointment at kalungkutan ng Favorite players ko sa Spurs. Bilang isang basketball fan, malapit sila sa puso ko.







Anyway, ganon talaga ang sports. Parang pelikula, maraming twist. Congratulations sa Miami Heat dahil nanalo kayo muli ngayong 2013!

Ganon pa man, may paninindigan ako at favorite team ko pa rin ang San Antonio Spurs! I'm still a fan right now!

This is still my MVP:

Friday, June 21, 2013

Laura Antonelli

May napanuod akong pelikula mula sa panahon na 1970's. Ang pangalan ng napakaganda, sexy at mahusay na aktres ay "Laura Antonelli", isa syang Italiano.

Sya yung girl syempre.

Nuong mga panahon na iyon, siguro nasa 20+ years old pa lamang sya. Puno ng lakas magtrabaho. Gawin kung ano man ang makakapagpaligaya sa kanya. Masaya rin siguro sya, dahil isa syang sikat na aktres at masagana ang buhay.

Pero talagang lumilipas ang panahon. Lahat ng iyong kabataan, kagandahan, kalakasan, at maaari ring kasaganahan ay unti-unting rin mawawala... at hindi mo na ito pwedeng maipagmalaki.

Nuong year 2001, ito na sya...


Hindi naman dapat ikagulat, syempre, ganoon talaga. Sa taon na ito, ayon sa wikipedia, si Laura ay 74 years old na.

Kaya may naisip ulit ako...

Kung tumanda ka na, at mawala na sa yo lahat ng mayroon ka nuong kabataan mo, ano pa ang makakapagpasaya sayo? Narito ang ilan sa mga sagot na sumagi sa aking isipan.

  • Syempre, unang una, nariyan ang iyong pamilya. Kaya sa tingin ko, mas masaya talaga kung magkakaroon ka ng mga anak at apo. :)

  • Pangalawa, sa tingin ko, makakapagpasaya sayo ay ang iyong mga nagawang pag unlad sa buhay. Yung masasabing "Nagawa ko yun!". Yung tipong ikkwento mo sa mga apo mo ng may buong pagmamalaki.

  • Pangatlo, sa tingin ko, magiging mas masaya ka rin kung mayroon kang mga tao na natulungan habang malakas ka pa. Mga taong natulungan sa iba't ibang paraan. Halimbawa, yung mga taong nabigyan mo ng inspirasyon at pag asa. :)
Hmmm... sana hindi pa rin malugi ang Google Blogger pag tanda ko, para mabasa ko at mabalikan itong mga blog ko dito hahaha! Maaalala ko ng mas malinaw ang mga kabaliwan, kasiyahan, atbp. nuong kabataan ko. :)


Nga pala, baka bumalik na ako sa pagbblog dito, pero hindi ako nangangako.. hehehe.. Ayun, kahit maikling blog lang, kahit mga 3-5 sentences, na maaaring makapagbigay ngiti o karagdagang kaalaman sa babasa...

Kung may nais din kayong itanong na sa tingin nyo eh kaya kong sagutin, pwede nyo na rin itanong at maaari kong sagutin bilang isang blog.

Saturday, March 2, 2013

Nadukutan Ako!


Oo, nakakainis. Nadukutan ako ng cellphone last Friday. Pero it is such an achievement for me, yung huling beses na nadukutan ako eh nung 2nd year highschool pa ako, that was 9 years ago!

Yung cellphone na nanakaw sa akin eh yung legendary Samsung Galaxy Mini ko, maliit na phone, nabili ko yun nung August 2011, so mga 1 year and 7 months ko rin nagamit. P7,000 ang halaga nun nuong bagong bili ko pa lang, pero kung ibebenta mo yun ngayon siguro mga P2,000 – P3,000 na lang. Na-root ko yung phone na yun last December from Android 2.3 (Froyo) to Android 4.0 (ICS) via Odin at CM9 (basta yun na un!). Hindi ko pa napapagana ng maayos yung image at video camera nun dahil tinatamad pa ako at hindi naman ako mahilig kumuha ng litrato ng gwapo kong mukha (joke).


Wednesday, October 17, 2012

Worst Boyfriend? (Part 1)


Paunawa: Ang mga sumusunod na pahayag ay madrama at korni at maaaring naglalaman ng mga pahayag na maaaring di angkop sa mga batang mambabasa.

Pag nag-bake ka ng tinapay na korteng isda at ganito ang itsura,
parang ganito siguro ako as boyfriend.
(Nabili ko to sa isang bakery malapit sa sakayan ng tricycle, masarap sya isawsaw sa kape.)
Sino nga naman kaya ang mag mamahal sa isang gaya ko? May mag-ttyaga nga kaya sa akin? May tatanggap ba sa akin bilang ako?

I'm the worst boyfriend.

Narito ang mga nakikita kong dahilan kung bakit:

1. Hindi ako mayaman. Hindi ko kayang bumili ng bulaklak everytime magkikita kme ng aking kasintahan. Wala akong kotse upang sunduin sya araw araw sa malayong opisina nya. Hindi ko rin kayang makipag-date sa restaurant palage. Di ko kayang mag bigay palage ng mamahaling regalo. Sa kasalukuyan,karamihan ng kita ko ay napupunta sa edukasyon ng aking mga kapatid. Mula elementary hanggang college. Mabigat. Wala din akong kakayahan magbakasyon ng madalas.

1. Limitado ang oras ko. Twice a week lang talaga ang kaya kong ibigay na oras. Perfect if Saturday and Sunday. Yun ang totoo. Nag ttrabaho kasi ako bilang isang enhinyero. Mahigit dalawang taon pa lamang ako sa aking karera. Bagsak tlg ang katawan ko pag weekdays. Kung magkikita man kme ng weekdays, malamang mukang pagod, malata, at lumilipad ang isip ko. Mawawalan ng quality ang bonding o date namen. Palage lang sya maiinis.

3. Makakalimutin ako. Pansin ko lang, may pagka makakalimutin talaga ako. Short term memory. Minsan, kung di mo pa ipapaalala, hindi ko tlaga maaalala. Halimbawa eh may date na wala sa schedule like monday, eh ang tunay na schedule eh tuesday at thursday, madali kong makalimutan ang date na monday. Nkaset lng sa isip ko na tuesday at thursday ang date, at wlang date ng Monday. Isa pang halimbawa, maaalala ko lang ang monthsary or aniversary two days before. Halimbawa July 30 ang monthsary, maaalala ko lang yun pag July 28 na.

4. Di ako madaling magpatalo sa mga argumento. Pag alam kong tama ako, di ako titigil sa pag papaliwanag hanggang sa maintindihan nya. Ayaw ko kasi magpa under sa isang babae. Pero pag alam kong ako naman un mali or may mali rin sa part ko. Humihingi ako ng paumanhin.

5. Sobra akong magtiwala. Buong buo ang tiwala ko sa kasintahan ko. At inaasahan kong ganun din sya sa akin. Sa nakikita ko, dahil may tiwala nga tlaga ako, nararamdaman nyang maluwag ako sa kanya, na okay lang na mawala sya sa akin. Pero hindi totoo yun, mahal na mahal ko tapos gusto kong mawala sa akin? That's ridiculous. Ayoko kasing sakalin ang kahit sino, kahit ang kasintahan ko. Palagi silang may kalayaan pumili at magdesisyon para sa sarili nila. Pag nais nya ng aking mga kuro kuro at suhestyon, mag bibigay ako. Pag nais na nya akong iwan, dinadaan ko sa masinsinang usapan. Pag ayaw na tlaga nila, wala naman ako magagawa. I cant make her love me, if she dont.

Lima lang muna ang nasa list sa ngayon.

Itutuloy ko na lang sa Part 2 pag may naisip ako ulit. Kita kits.

Tanong Ni Miguel: Ano sa tingin mo ang ayaw sa iyo ng kasintahan mo?

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.