Mapaglarong isipan.

Saturday, March 2, 2013

Nadukutan Ako!


Oo, nakakainis. Nadukutan ako ng cellphone last Friday. Pero it is such an achievement for me, yung huling beses na nadukutan ako eh nung 2nd year highschool pa ako, that was 9 years ago!

Yung cellphone na nanakaw sa akin eh yung legendary Samsung Galaxy Mini ko, maliit na phone, nabili ko yun nung August 2011, so mga 1 year and 7 months ko rin nagamit. P7,000 ang halaga nun nuong bagong bili ko pa lang, pero kung ibebenta mo yun ngayon siguro mga P2,000 – P3,000 na lang. Na-root ko yung phone na yun last December from Android 2.3 (Froyo) to Android 4.0 (ICS) via Odin at CM9 (basta yun na un!). Hindi ko pa napapagana ng maayos yung image at video camera nun dahil tinatamad pa ako at hindi naman ako mahilig kumuha ng litrato ng gwapo kong mukha (joke).


Experto sa pagnanakaw yung dumale sa akin, dahil malakas talaga pakiramdam ko sa mga magnanakaw at madali ako nakakaiwas, imagine 9 years na akong hindi nadudukutan ng gamit. Siguro naging kumpiyansa na rin ako masyado. Ganito yung nangyari sa akin, sana may matutunan at mas makapag ingat rin kayo.

Alas syete y medya ng umaga, bumaba ako ng jeep sa C5 (galing ligaya), naglalakad na ako, naka-earphone at yung cellphone ko eh nasa bulsa ng backpack ko. The Calling yung sound trip ko nung ng biglang nawala yung sound at biglang tumalsik yung cable ng earphone ko sa right side at pumulupot ito sa katabing sanga ng maliit na puno, duon unang nabaling ang atensyon ko, wla pa sa hinagap ko na wala na yung cellphone ko, akala ko natanggal lang or nahila ko lang yung earphone ko kaya natanggal. So tinanggal ko muna sa sanga yung earphone. Natanggal ko naman agad, siguro mga 2 seconds lang, tpos biglang may kumalabit sa akin, sabi nya “Cellphone mo nalaglag…”, yung unang reaksyon ko eh tumingin at lumakad muli sa likod upang hanapin yung “nalaglag na cellphone” ko dahil baka may makapulot at di ko na mahanap. Medyo maraming tao sa C5 pag umaga, marami kang kasabay maglakad paroon at parito. Mga nakakatatlong hakbang na ako, di ko matanaw yung cellphone ko sa daan, nang ma-realize ko na hindi nalaglag ang cellphone ko. Ninakaw ito. Ninakaw ito dahil kung nalaglag nga ito, isang hakbang ko pa lang patalikod eh dapat kita ko yung cellphone. Lumakad ulit ako pasulong upang hanapin yung lalaki na nagsabi na nalaglag daw ang cellphone ko, pero wala na sya. So sa tingin ko lang naman, eh sya yung magnanakaw ng cellphone ko. Mas maliit sa akin ng konti yung magnanakaw na un, hanggang leeg ko siguro yung height nya (mga 5 8 ako), kulot, medyo malaki yung mata, mejo naka-emphasize yung nguso, nakaputing t-shirt, shorts na gray at tsinelas.

Nung mga oras na yun, di talaga ako makapaniwala na nanakawan ako, nag effort pa akong hanapin yung lalaki ng konti para kapkapan at pag nahanap ko sa kanya yun, dudurugin ko muka nun. Pero naisip ko, kahit mahanap ko sya eh malamang di ko na makakapkap sa kanya yung phone dahil naipasa na nya sa kasabwat nya yun, so wala akong ebidensya at baka ako pa makasuhan. Pero kung huli sa akto yun, babanatan ko talaga un at magpapatulong ako sa mga tao dun para bugbugin gaya nito:


Kung may mga magnanakaw (any form of magnanakaw) man na nagbabasa ng blog na ito, magbago na kayo, magsikap sa buhay at magbanat ng buto. Dahil pag nahuli kayo, bugbog sarado kayo sa taumbayan, sa kulungan at sari sari pang kamalasan sa buhay ang makakamtan nyo.

Ganumpaman, nabawasan ng konti ang budget ko, kinagabihan nun, sinamahan ako ng Girlfriend ko na bumili ng bagong cellphone. Wala pa sa budget ko bumili ng bagong Samsung or Experia Android phone so pansamantala, bumili muna ako ng Cherry Mobile Flare Android phone (para i-regalo sa nanay ko after).

Ito yung twist, I love Cherry Mobile Flare. Hindi ko pinopromote yung Cherry Mobile Flare pero mukang din na ako bibili ng Galaxy SIII or Experia Acro S. Search nyo na lang sa google or youtube yung mga features and reviews. Pero ito yung ilan, yung mga pinaka gusto kong feature sa isang phone: Wider screen, Android developer options (since I’m an android programmer), front and rear camera with flash (satisfied naman ako sa photo quality), fast and smooth (almost no lags, temple run and most games I like has no lags), Google play store, music and videos (sound and plays really well), sms and call (malinaw at madaling madinig ang isa’t isa).

Mga kapatid ko, Anna and Mark

Mga aso namin, Whitey and Docman

Going back to the topic, friends, mag ingat din kayo at wag masyado maging kumpiyansa lalo pag nasa daan kayo dahil marami pa rin talagang masasamang elemento. Mas mabuti pang sa office, resto or bahay na lang kayo makinig ng music or gumamit ng mga gadgets nyo. Kung gusto nyo talaga sa daan or sa jeep eh dapat super aware kayo sa mga gamit nyo dahil there are more chances talaga na mawala yang mga bagay na mahalaga at pinaghirapan nyo. (Ang galing ko mag advice no? Napaka generic. HAHA!)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.