San Antonio Spurs at ang Saloobin ng Isang Tagahanga
Naging taga-hanga ako ng San Antonio Spurs nuong una akong namulat sa existence ng NBA. Year 2003 'nun, first year high school ata ako. Sa channel 9 ko ata yung napanuod ang Finals, panalo ang Spurs over New Jersey Nets.
Bago nung taon na 'yon, nag Champion na din pala sila nung 1999, at mga sumunod na taon ng 2005 at 2007.
Nung mga sumunod na taon, dahil nainspire ako, nahilig na ako maglaro ng basketball, hanggang makagraduate ako ng highschool. Ang maputi at flawless kong kutis ay nawala dahil laging nakabilad sa araw habang naglalaro, wala kameng covered court nun mga panahon na yun.
Naalala ko tuloy nung sumali ako ng maliit na liga dito sa lugar namen. Half court pa lamang ang meron dito sa amin nun. 3 on 3 ang laro. At kasama ako sa first 3 every game. Nagchampion ang team namen, pero hindi ako ang MVP, mas mahusay yung Engineer kong kakampi.
Natigil lamang ang hilig ko sa paglalaro at panunuod ng basketball nang mga kolehiyo na ako. Mas nag focus kase ako sa pagaaral at karera sa tunay na buhay. Pero ngayong nakatapos na ako at may maayos na karera na, balik na ulit ako sa basketball, kahit hindi na masyado nakakalaro, at least, nakakapanuod pa rin.
Balik sa main topic...
2013 NBA Finals. Spurs vs. Heat.
Malungkot ako dahil natalo ang Favorite NBA team ko. At masakit ang kanilang pagkatalo. Spurs lead the series, 3-2. At nuong game 6, champion na sana sila kung hindi naka 3 points si Ray Allen, that tied the series to 3-3.
At nuong Game 7, nanalo na ang Miami Heat.
Dama ko rin ang disappointment at kalungkutan ng Favorite players ko sa Spurs. Bilang isang basketball fan, malapit sila sa puso ko.
Anyway, ganon talaga ang sports. Parang pelikula, maraming twist. Congratulations sa Miami Heat dahil nanalo kayo muli ngayong 2013!
Ganon pa man, may paninindigan ako at favorite team ko pa rin ang San Antonio Spurs! I'm still a fan right now!
This is still my MVP:
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment