Limot
Naranasan mo na bang makalimot? Malamang, kahit sa computer hard drive nga eh, nabubura ang impormasyon. Kung hindi ka nakakalimot, hindi ka tao. Isa kang... hindi ko alam kung ano ka. Basta yun na yun.
Sakit sa ulo pag may nakalimutan kang importanteng bagay.... Image from: http://4.bp.blogspot.com/_471vc1U2a3Q/R_C61BYFXeI/ AAAAAAAAAg8/yonnkW92aYM/s320/forgot%2Bpassword.JPG |
Maraming dahilan ng iyong pagkalimot. Maaaring gurangis ka na, drug-addict ka, inuntog mo ulo mo sa pader, kulang ka sa pisikal na aktibidad tulad ng... masarap naman yun gawin ha bakit di natin ginagawa madalas? - Jogging, isama mo pet mong stuffed toy. Pwede rin naman ang dahilan ay ang pagiging malungkutin mo (smile na!), lage kang pagod dahil sa pag dodota, lage mo kaaaway jowa mo, lessenggero ka, may mindset (oha english un!) ka na makakalimutin ka kahit na may kakayahan ka namang maging hindi, o kaya ay talagang sobrang baba lang ng IQ mo at wala kang ginagawang paraan para madagdagan ang kaalaman mo at maensayo yang utakssssss mong ipinagkatiwala sa yo ng Maykapal.
Hindi naman sa pag-mamayabang pero ako kasi, nung anim na taong gulang pa lang ako, nakakasagot na ako sa tanong ng aking guro: "1 + 1 Miguel?", sagot ko: "11 Mam!" (Hoy tumawa ka nag joke ako!). Minsan, nakakatuwa mang isipin, pati mga pangarap natin ay ating nakakalimutan. Yung tipong ipinagpapalit mo ang pangarap mo sa panandaliang kaligayahan. Halimbawa, may dapat ka pang tapusing trabaho sa opisina, pero hindi mo natapos dahil every 5 minutes, tinitignan mo ang picture ko sa facebook. Wag ganon!
May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na kailangan nating kalimutan ang ating sarili para sa mga bagay na mas malaki at maganda. Kailangan nating pang hawakan mabuti at maging responsable sa ating mga pangarap dahil dun tayo magiging masaya at matatanto kung bakit tayo narito sa daigdig.
Pero sabi nga, lahat ng bagay may dahilan kahit di mo alam ang dahilan. May pakinabang din naman ang limot. Halimbawa, pag nag break kayo ng jowa mo dahil malandi sya o kaya naman may utang ka sa kaibigan mo tapos nakalimutan mo na. Oh di ba? Useful!
Tanong Ni Miguel: Anong pangalan ng teacher mo nung Grade 1 ka?
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment