Mapaglarong isipan.

Saturday, February 12, 2011

Text (Part 1)

Nung bata pa ako, lagi akong nakaupo sa kaliwang sementadong parte ng sulok ng bahay na nasa harap ng bahay namin (Sana nasundan mo haha!). Kahit na nasusunog na ang aking balat na parang karneng inilagay sa ihawan at kahit pa ako’y nagiging tulad ng mga dahon pag bumubuhos ang ulan. Makita ko lamang siya… sila…


Kahit mainit, naglalaro pa rin ako sa labas!




Ang mga bahay dito sa amin ay mistulang mga kahong dikit dikit. Ang bawat harapan ng bahay ay may hagdan papasok ng pintuan. Sa kaliwa niyon ay bintana na may parihabang salamin na maaaring mag bukas-sara. Halos kalahati ng harapan ng bahay ay kulay pula at may disenyong tila pinagpatong-patong na parihabang mga bato. At ang mga natitirang mga bahagi ay kulay puti na, sa harap, likod at gilid. Ang bubongan ay walang pintura. Ito’y isang payak na yero lamang.

Sa bloke ng bahay na aking inuupuan, ako’y nakatayo rin naman paminsan-minsan. Ang bloke ay binubuo ng walong mga bahay. Ang pinakamalawak ay ‘yung nasa bandang huli. Noong mga panahong iyon ay sa dalawang bahay pa lamang may nananahan. Walang bakod ang bawat bahay kaya’t ako’y walang takot na tumatalon talon sa pagitan ng mga hagdan, gaano man ito kataas at kapanganib. Ni minsan ay hindi ako nasugatan o nagkamali sa aking mga pagtalon. Napakasarap ng pakiramdam, napakagaan. Mistulang ako’y may malalaking mga pakpak.
 

Parang ganito...

Di naman masyado naging matagal ang aking paghihintay dahil alam kong sabik na rin syang makita ako. Natutuwa ako, dala ko lagi ang aking sandatang panlaban bago ako pumunta doon. Marami akong sandata ngunit syempre, may isang pinakamalakas. Akin itong itinatago sa espesyal kong bulsa. Ito’y nakaipit at sinigurong hindi mahuhulog.

Nang dumating na sya at nakita ko sila, ako’y naginit na. Ako’y naghahanda at may malalim na isipang mananalo kame. Di pa ako marunong magdasal ngunit batid kong ako’y pinagpala. Magkahalong kaba at saya ang aking nadarama. Ako’y nangingiti at ang aking mga mata’y may kaunting ningning.

“Bakit ang tagal ninyo?” wika ko. “Kanina pa ako dito ah, nasan na yung ibang pinahawak ko sa iyo?” … [Itutuloy]




Tanong ni Miguel: Ano ang isa sa mga kapana-panabik ginagawa mo noong bata ka?

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.