Mapaglarong isipan.

Friday, February 18, 2011

Text (Part 2)

Ito na ang kasunod ng "Text (Part 1)" kong sulat :) . Kung hindi mo pa iyon nababasa, mangayari lamang na basahin mo muna dahil mas hindi mo ito hindi maeenjoy. (Anu daw?)

Ito na:

At kami ng aking nagiisang kakampi na si Adoy ay magkasabay na lumakad at nang-akit ng aming mga kalaban. Sa di kalayuan ay may nasilayan ang aming mga mata. “Sa wakas nandirito na rin ang pangalawa sa pinakamagaling! Siguradong tayo ang kanyang sadya.” Wika ko.


Madugo ang labanan :)
(Image from http://images.psxextreme.com/)

“Totoo nga!” ang sabi ni Adoy. Lumapit nga sya sa amin at ang duwelo ay nagsimula na, doon mismo sa harapan ng bahay kung saan ako palaging naghihintay.

Di nagtagal ay inilabas na naming ang aming makapangyarihang mga sandata. Mas mabigat at makulay ang sa akin at ang sa kanya naman ay hindi, tila kupas na. Dambuhalang mga halimaw – yan ang aming mga inilabas at ipinakitang mga panlaban. Kagilagilalas ang kanilang magagawa at mararamdaman mo ang takot. Ang kanilang nanlilisik na mga mata ay mistulang kakainin ka ng buhay. Medyo nanginginig ang aking kamay at bumibilis ang pintig ng aking puso.



Halimaw
(Image from http://www.videogamesblogger.com/)


Ang mga halimaw ay nakapaloob sa parihaba at amin silang paiikutin gamit at pagpitik ng aming mga kamay. May iba’t ibang istilo ng pagpitik upang mapasunod ang mga sandata at sumang-ayon ito sa iyong panig. Ito ay nangangailangan ng maraming pagsasanay na para ka ring tagapagsanay ng turuang aso. Napaka-exciting talaga pag may ganitong mga labanan.

Si Adoy ay may hawak na mga tao, halimaw, hayop at halaman. Iba ibang klase ang nasa kamay nya. Sa aking pagsukat ay may tatlong dangkal ito pagka pinagpatong patong. Ang lahat ng nilalang na ito ay nasa loob din ng parihabang papel na ang taas ay mga isa’t kalahating pulgada at ang haba ay malamang dalawang pulgada pagtinignan mo ng crosswise.

Di nagtagal ay pinaikot na naming ang pamato sa pamamagitan ng pitik bilang pagsisimula ng aming labanan. Pamato ng magkabilang panig at isang panabla ang ipipitik ng may hawak ng pagkakataon. Ang naiba pagkalapag sa kalsada ay ang panalo at magkakamit ng taya o bayad. Ngunit pag panabla ang lumabas ay syempre walang babayaran at walang magbabayad. :)

Tanong ni Miguel: Naglaro ka rin ba ng "text" nung bata ka?


0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.