Mapaglarong isipan.

Saturday, October 9, 2010

Ako ay Nalulungkot at Tinatamad sa Buhay!

Ang artikulong ito ay hindi naglalayon na baguhin ang iyong paniniwala o turuan ka ng mga dapat gawin sa buhay mo...


Tinatamad at malungkot ako!





Bakit nga ba tayo nalulungkot? Isa sa mga kadalasang dahilan ay yung kadahilanang walang nag mamahal sa atin. Kung un din ang dahilan mo, hinahamon kitang...

Panoorin ito.

Napanood mo? Nagulantang ka? Ano masasabi mo?...

Ano nga ba ang dahilan ng boring at nakakatamad na buhay? 

Para sa akin, yun ay dahil ung wala tayong matibay na dahilan kung bakit tayo naririto. O kaya naman, masyado tayong nalilito kung ano ba talaga dapat na ginagawa natin.



Panoorin mo rin ito.


Minsan, nakukulangan din tayo ng pag tanggap sa ating kasalukuyan. Kaya nahihirapan tayo. "Dapat ganito na ako ngayon!", "Sabi ng nanay ko na dapat ito na ang ginagawa ko!", "Wala akong kwenta, bakit ba kasi ganito lang ako!"

Lahat ng buhay dito sa mundo ay may dahilan. Hindi tayo isang aksidente. Kung sa tingin mo eh wala ka talagang kweta, nasasayo yan. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na buhay ka pa kaya mo to nababasa.

Mayroon ka pang kayang gawin. Sabi nga ng isang author, hindi tayo tulad ng mga puno na nakatigil lamang kung saan sya tumubo. Tao tayo. May kakayahan.

Habang may buhay, may pag asa.

Siguro nga, minsan, nangangailang talaga ng karampatang panahon para maging maayos ang lahat.

Tanong ni Miguel: Nahanap mo na ba ang dahilan kung bakit hindi ka dapat malungkot at tamarin sa buhay?

2 comments:

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.