Mapaglarong isipan.

Sunday, September 26, 2010

Mga Kaganapan Tuwing Thesis Over-Night

Ang artikulong ito ay hindi naglalayon na patamaan ang sinuman at saktan ang kanilang mga damdamin.


Feelings for thesis

Bigla ko lang naisip na...

Isulat ang ilan sa mga nalalaman kong nakaka-major-major (wat?) na nangyayari tuwing may over-night thesis making.


Narito na, Thesis - The Making... :)

1. Maka-bulunang Kwentuhan - Pinag uusapan ang tungkol sa mga crush nila, mga celebrity, lovelife, pag-gimik, dota, kung paano kikidnapin at gagawan ng masama yung mga panelist nila at iba pang usaping hindi related sa thesis.

2. Walang Patumanggang Reklamo - Imbis na gumawa ng thesis, nauubos ang oras sa kaka-reklamo sa mga thesis requirements at di umano'y nakaka-inis na mga panelist.

3. Emo Mode - Naglalabas ng mga hinanakit sa buhay at ka-sentihan sa mga thesis groupmates.

4. 8-Hour Coffee Break - Pampawala daw ng antok ang kape. Oo, kaya timpla lang ng timpla at inom lang ng inom!

5. Larong Pusa - Isang paraan upang ma-excite at mawala ang antok.

6. Bumabalik Ang Matamis Na Nakaraan - Nararamdaman muli ang pag-ibig (pag-ibig nga ba?) ng mga mag "X" na hindi maiiwasang mag sama muli dahil thesis.

7. Nagkaka-Developan - Narerealize na pwede pa lang maging jowa ang thesis group mate.

8. Two To Three-Hour Sleep - Kunwari matutulog lang sandali, pero hindi na nagigising at tuloy-tuloy na ang pag-hihilik matapos ang dalawa o tatlong oras.

Paano kung pusa ang panelist mo?
9. Sound Trip - Dini-distract ang sarili sa pakikinig sa MP3 player, computer, cellphone, kay Papa Jack, Dustin Biber at iba pang mga pag-ungol (ungol ng manok?) o tumutunog na bagay.

10. Facebook - Tinatanong pa ba kung bakit?

11. Txtm8s! - Inaakalang nakakatapos ng research documents ang pagttype sa cellphone.

www.codeofaninja.blogspot.com
12. Nahihintay Ng Gagawa Ng Thesis - "Bakit parang walang kumikilos? Sino ba gagawa ng thesis?"

13. Maraming pag-kain at snacks - "Busog na ako yehey ang sarap matulog!"

Baka isipin nyong tsismoso ako at ang dami kong nalalaman tuwing thesis over nights. Hindi naman. Sabihin na lang nating aware ako... Wag ka na pumalag... :) . 

Naniniwala din akong hindi naman negatibo ang lahat ng nasa list kong ito dahil nakakawala rin nga naman sila ng stress. Dapat nga lang isaalang alang ang mga dapat isaalang alang dahil ang importante ay mahalaga. (Anu daw?)

Tinatamad na akong mag isip ng iba pang kabulastugan na nagaganap tuwing thesis over night, kaya hanggang dito na lang ang listahan ko. Randomized at walang ranking ang listahang kong ito. 

Oo, aminado naman ako na naexperience at ginawa ko rin ung iba dyan. Hindi naman ako KJ. (ows?)


Ganon pa man, para sa akin, masaya pa rin gumawa ng thesis. Marami kang napupulot na magagandang aral sa iyong mga karanasan, parang lumelevel ka, di ba?

Lalo pag alam mong may nagagawa ka para sa group. Ang sarap kaya ng pakiramdam ng may accomplishment ka... :)
Tanong ni Miguel: Ano sa tingin nyo ang pinaka-epektibong paraan para magkaroon ng matagumpay na thesis or thesis making sessions?


I-comment mo sagot mo. (kung kaya mo)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.