Kaadikan
Sali ka sa tropa? Ako mismo gumawa nito sa Photoshop! :) |
Ilang sandali ang nakalipas... ginagawa mo na ulit...
Lahat naman ata tayo ay pinagdadaanan ang ganitong pag uugali. Ang masama lang, marami sa atin ang hindi ito maalis. Kahit na nakakasakit na... di lamang sa sarili natin.. kundi pati sa mga taong nasa paligid natin...
Aaminin ko...
Naeexperience ko ito sa ngayon. At hindi ako natutuwa. Ang lakas makapag-aksaya ng oras. Ginagawa mo ang mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Ginagawa mo ng paulit-ulit. Ginagawa mo para sa walang matinong kadahilanan.
Ito ang tinatawag na "Kaadikan...."
Tinanong ko ang mga textmates ko: "Anong mga bagay ang nakakaadik? Ung tipong nasasayang lang pala ang oras mo?" Narito ang ilan sa kanilang mga sagot...
Mag-fb, manood ng porno, mag-twitter, mag masturbate, mag-text, mag youtube, magday dreaming, tumambay, mang chicks, mag tsismisan, pag usapan ang mga lalaki, mag sulat ng quotes galing sa cellphone to notebook, mangarap, magtawanan, magpahinga, magprogram, magtrabaho, ma-inlove, mag shopping, magluto, kumain, makipagkwetuhan, etc.
May maidadagdag ka pa? lagay mo na lang as comment sa post na ito!
Grabe. Hmm.. Siguro, para sa ibang tao, ang ilan sa mga nabanggit ay okay lang. Pero para sa akin, lahat ng iyan ay hindi talaga okay... kung sobra.
Lahat ng sobra, masama! Sinong naniniwala? Say "Lucky Me!"
Lucky Me! Oo, naniniwala din ako dito. May isang ideya nga tungkol sa pag-ibig: "Ang love, pag sobra, masama... Parang alak lang yan, love moderately!" Oha, halatang manginginom ang nakaisip nito.
Anyway, okay, in some way, tama sya. Lalo na sa panahon ngayon. :)
Hay... kaadikan nga naman.. para sa akin, okay lang naman gumawa tayo ng mga kakatwang bagay paminsan minsan... para di naman tayo maboring di ba? Yun nga lang, alamin natin kung sobra na ba ang pag gawa natin nun.. Kasi maaring makasira talaga un sa mga plano natin sa buhay.
Akala natin ay ala-sais palang, un pala alas-nuebe na! Late na sa work! Ayon. Badtrip.
Sa madaling salita...
Be aware of the things you are doing. Time is Gold.
Tanong ni Miguel: Ano ang isa sa mga bagay ng kina-aadikan mo?
I-comment mo sagot mo. :)
0 ang nagbigay ng komento:
Post a Comment