Mapaglarong isipan.

Monday, March 21, 2011

Buo

Hindi na ako wasak. Buo na ako ulit! 

Oo. Bakit?

Lutang nanaman ako. Sa kasiyahan. :)

Image from http://journalsandeverthing.blogspot.com/



Hindi nag tagal ang pagiging wasak ko. Maski nga ako eh nagtataka din. Kasi di ba, kadalasan, pag wasak ka, medyo kakailanganin mo ng oras upang mag hilom. Pero ako? Hindi ata ako kasama dun. Kakaiba ba?

Mabuti na lang naniwala pa rin ako sa pag ibig. Oo na, korni na ang mga pinagsasabi ko dito. Bakit kayo, ni minsan ba hindi kayo naging korni ng dahil sa pag ibig? Ang akala ko dati, ang korni, nakakatawa. Pero ngayon, ang korni, nakakatuwa. Hindi lang nakakatuwa, nakakapagpaligaya pa.

Nais ko rin palang ibahagi ang isa sa mga nalaman ko nung ako ay wasak: Isipin mo na may iba pang nakalaan para sa'yo, PERO wag mong pipiliting kalimutan agad ang pagmamal sa taong mahal mo.

Inaamin ko, nung mga panahon na iyon, masyado akong naging lohikal sa mga bagay-bagay. Pero sumuko ang isipan ko. At naisip ko na may mga bagay talaga na hindi dapat ginagamitan puro ng lohika lamang...

Siguro ganon nga talaga ang pag ibig. Hahamakin ang lahat masunod ka lamang? Hahaha pamilyar at lumang kasabihan ba. Pero sa tingin ko, ito rin ang nararamdaman nya para sa akin. Kaya ngayon, naniniwala na rin ako dito.

Masaya ako. Sa tingin ko, ang dalawang salita na ito lamang ang makakapag paliwanag sa lubos di maipaliwanag na kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Tanong ni Miguel: Ano ang mas nakakahigit, Puso o Isip?

2 comments:

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.