Mapaglarong isipan.

Sunday, April 10, 2011

Mainit Na Kapeng Walang Asukal

Isa akong taong mahilig sa matamis. Pero hindi yun nangangahulugan na hindi na ako tumitikim ng hindi matamis.

Hanapin nyo ko! hahaha! Image from http://cicorp.com
Syempre wala ako dyan. Pulubi lang ako, libreng kape lang ang tinitira ko. :)

Sa opisina, may nakapansin sa akin na nakalimutan ko raw lagyan ng asukal ang kape ko. "Ok lang po un" sabi ko. "Ah, kaya pala, wala nang asukal..." tugon nya. Napangiti na lang ako dahil suplado ako at ayaw ko syang kausapin.

"Isa ba 'yang palusot Miguel?" Hindi. Ayoko lang talaga lagyan ng asukal.

Sa buhay ng tao, parang ganito din. May matamis at may mapait.

Ang nangyayari madalas, ang gusto ng mga tao ay puro tamis na lang. Pero sa kabutihang palad, hindi pwede yung ganon. Kung lahat ng bagay ay matamis, malamang, hindi tayo marunong sumamba sa Diyos. Lahat ng bagay ay mabuti na para sa atin eh, hindi na natin kailangan manalangin at tumawag sa kanya.

At isa pa, kung ang lahat ng bagay ay mabuti na para sa atin, ang buhay ay magiging napaka-BORING. At dahil boring, gagawa tayo ng mga bagay na masama, delikado, makakaimbento ng mapanirang mga bagay, nakakasakit ng kapwa (halimbawa ay bullying), at iba pang mga bagay na walang katuturan. Magiging masyadong makamundo ang mga tao. Maraming sikat, mayayaman, at matatalinong tao na ang nahulog dito. Tila nakamit na nila lahat ng bagay dito sa mundo. Pero ano sila ngayon? Involved sa ipinagbabawal na gamot, kahalayan, pagpapakamatay, atbp.

Hindi ba't napakaganda sa pakiramdam pag may accomplishment ka sa buhay mo? Yung accomplishment na magagamit mo sa kabutihan. Yung hindi pang sarili lamang. Yung may maipagmamalaki kang pinaghirapan mo. Napakasarap lasapin ang tamis ng buhay pag ganito. Hindi yung, iniasa mo lang sa iba. Tapos, madidisappoint ka lang pala. Nakasira ka pa nag pag kakaibigan nyo.

Balik sa kape...

Ang isa sa layunin natin kung bakit tayo umiinom ng kape ay ung magising pa tayo at hindi antukin. Pero sa kaso ko, hindi na ata tumatalab sa akin un. Kaya mas gusto ko ang mainit na kapeng walang asukal, ang sarap kaya, try nyo!

Nakakapaso sa init.
Nakakagising sa pait.
Epektib.

Tanong ni Miguel: Ikaw, para kanino ka bumabangon?

*Congratulations sa mga graduate ng 2011! :)

0 ang nagbigay ng komento:

Post a Comment

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.