Mapaglarong isipan.

Saturday, December 4, 2010

Wanted Girlfriend

Member ka rin ba ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) tulad ko at ni Presidente Noynoy Aquino? Well, mabuhay tayo! :)


Best Actor "Empoy"



Nakaka-inggit mang isipin, ang dami talagang nagiging mag jowa ngayong malapit na ang pasko. Sa facebook, myspace, at friendster (Oo, nagbubukas pa ako ng friendster!) bumabaha ng "in a relationship" sa news feeds.


Kung mapapansin nyo pag umuuwi kayo ng gabi, sa tabi-tabi, may mga gumagawa ng kababalaghan (horror ba ito Miguel?). Hindi. Alam nyo na yun.


Sa kapitbahay, sa mga mall, sa tindahan ni Aling Nena, pati mga pusa at aso sa kalye, may mga "in a relationship" na din.

Yung iba naman, binabalikan ang kanilang mga ex-jowa, dahil wala nang lumiligaw sa kanila or wala na silang maligawan. Para lang masabing hindi malamig ang pasko nila.


Ang lahat ng ito ba ay dahil sa commercial ng nestea to the left to the left?


Tapos dinagdagan pa ng bagong kanta ng bandang RockSteddy. Sobrang natawa talaga ako nung mapanood ko yung music video ng kanta na yon. Featuring one of my favorite comedian "Empoy". Ang lupet nya dito, pang best actor!


Ito yung lyrics sa chorus ng kanta:


Kawawa ka naman, at single ka ngayong pasko
Ilang taon ka ng ganyan, ka date mo nanaman ang nanay mo
At bibili na lang ng christmas card
At susulatan ko na lang ito
Ng merry christmas happy new year, to me :(




Dahil dyan nakaimbento ako ng bagong word - "Comemo" = Comedy + Emo. Hahaha! Panoorin nyo yung music video, hindi kayo magsisisi. Ito yung youtube link.


"Miguel, bakit 'Wanted Girlfriend' ang title ng entry na ito?"


Eh yan yung naisip ko eh, magagawa mo? hahaha! Hindi ko naman sinasabi na gusto ko ring magkaroon ng kasintahan ngayon nalalapit na Pasko.


Pwede rin naman kasi nating bigyan ng ibang kahulugan ang SMP di ba, narito ang ilan:


-Single at Masaya ang Pasko
-Samahan ng Masaya ang Pasko
-Sasamahan ni Miguel sa Pasko (huwat?)


Hahaha! basta ako, hindi ko naman talaga iniisip kung anong ibig sabihin ng SMP na yan. Basta ang masasabi ko, In love ako. :)


Tanong ni Miguel: Ano ba para sa iyo ang Pasko? 





3 comments:

  1. . . .Pasko. .? araw kung saan mo pwedeng makasama ang mga mahal mo sa buhay. . isa na dito ang taong gusto mong makasama habang buhay. :))

    ReplyDelete
  2. ang pasko ay oras para batiin mo si Hesus ng Maligayang Kaarawan.. hehe ..ayos tong blog mo na to ahh. nainggit tuloy ako.. kaya gumawa rin ako hahaha.

    ReplyDelete
  3. @maranel: So naniniwala kang may SMP nga? Emo ka na nyan? hahah joke! peace mara!

    @Pedro: Salamat sa pag tugon at pagbisita. Haha nabasa ko rin mga post mo, astig din kaya hehehe :)

    ReplyDelete

Popular Posts

Sino Ako?

Ako nga pala si Mike Dalisay, a.k.a Miguel sa blog na ito. Ikaw, sino ka?
Powered by Blogger.